^

PSN Opinyon

Malasakit ng 2 magkaibigan: Art Garfunkel at kaklase (2)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

(Karugtong nang lumabas kahapon)

PATUMPIK-TUMPIK lang ang bulag na Sandy na umaasa sa alalay ni Art. Minsan pumasyal sila sa siyudad. Sa restoran ng magulong istasyon ng tren, biglang nawala si Art. Sa kaba napatakbo si Sandy, nabunggo ang mga mesa, nakabasag ng mga baso’t pinggan, at nabuwal. Nasugatan ang noo at mga tuhod. Duguan, nakasakay siya ng tren pabalik sa campus. Habang kumakapa pa­balik sa dorm nabunggo siya sa isang tao. “Sorry,” anang tao. Si Art! Magwawala sana si Sandy nang mabatid niya ang lahat. Hindi pala siya inaban­dona ni Art; naroon lang ito, tahimik sa tabi, sinusuri kung ano ang gagawin niya sa gan’ung sitwasyon. “Alam ni Art na dapat akong matutong tumayo nang sarili,” aniya.

Nagbago ang pananaw ni Sandy. Nagkalakas-loob luma­ban. Nag-graduate at nag-masters pa. Nag-trabaho. Ikinasal sa kababatang si Ces.

Nakukuwento ni Art sa ka-duet na Paul Simon si Sandy. Bagama’t si Paul ang tumitik ng awiting “Sound of Silence,” halaw kay Art ang bansag sa linyang “Hello, Dark­ness, my old friend.” Nabatid ni Art ang sariling kakayahang magmalasakit para sa nangangailangang katoto.

Nag-recording sa bahay ng unang album sina Simon & Garfunkel. Pero nabanggit ni Art kay Sandy na hindi nila ito maisa-plaka dahil kapos ng $400. May kapirang­got na ipon si Sandy sa banko: $404. “Sagot ko na ‘yon,” malugod na inam­bag ni Sandy para makabawi sa maraming taon na pag-alaga sa kanya ni Art.

Pumalpak ang album pero sumirit sa charts ang single ng isang kanta ru’n, “Sound of Silence.” Mula nu’n maraming­ naging hits sina Simon & Garfunkel: “Mrs. Robinson”, “The Boxer,” at “Bridge Over Troubled Waters.” Malalim para kina Sandy at Art ang ibig sabihin ng “Hello, Darkness, my old friend.”

Tumanyag din si Sandy bilang imbentor, negosyante, presidential adviser, at pilantropo. Tumutulong ang tatlong anak sa mga bulag.

Hanggang ngayon matalik na magkaibigan sina Art at Sandy.

vuukle comment

MALASAKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with