Maling asunto (Huling bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

AYON sa Supreme Court, tama ang Court of Appeal na walang naging pagkakamali ang NLRC dahil base sa ebidensiya sa rekord at sa mga umiiral na batas ang naging hatol.

Una ay nagtatrabaho lang sa loob ng Pilipinas si Lando at hindi sakop ng POEA ang kanyang kaso. Hindi ito tulad ng mga seafarer na nagtatrabaho sa ibang bansa kung saan malinaw na nakasaad sa kanilang pinir­mahang kontrata ang dapat na bayaran kung sakaling may mangyari sa kanila.

Sa kawalan ng probisyon, ang Labor Code ang dapat na pairalin. Sa atin naman ay ipinapasa ng kompanya ang pananagutan sa mga aksidente sa mga state insurance fund tulad ng SSS at ang tangi lang nilang obligasyon ay ang magbayad ng tamang hulog kada buwan.

Tungkol naman sa sinasabing kapabayaan ng kom­panya kaya nanghihingi sila ng danyos, ang kasong ito ay tinatawag na “quasi-delict” at isinasampa sa kara­niwang korte. Kaya para patunayan na may nangyaring­ kapabayaan na naging dahilan ng pagkamatay ni Lando ay dapat na isampa ng mga naulila ang kaso sa regular na korte.

Para naman sa death benefits, nagkaroon na ang NLRC ng deklarasyon na may karapatan sa P200,000 ang mga naulila ni Lando. Dapat itong ibigay ng kompanya ng walang kondisyon sa mga naulila.

Tungkol naman sa ibang hinahabol na kabayaran, sinabi na rin ng NLRC at CA na bayad na ang mga ito. Dapat na respetuhin ang mga pag-aaral na ginawa nila at saklaw na rito pati ang SC (Heirs of Andag et. Al. vs. DMC Equipment and Resources Inc. etc. G.R. 244361, July 13, 2020).    

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with