EDITORYAL - Bayaran ang utang
EDITORYAL - Bayaran ang utang
(Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

Ngayon (Oktubre 26) ang ipinangakong araw na magbabayad ang Philippine Health Insurance Cor­poration (PhilHealth) sa pinagkakautangang Phi­­­lip­pine Red Cross. Umaabot sa P930,993,000 ang ka­buuang utang ng PhilHealth sa Red Cross. Ayon sa PhilHealth, umaasa sila na kapag na-settle na nila ang pagkakautang sa Red Cross ay agad itutuloy nito ang testing ng mga swab specimen ng mga overseas Filipino workers (OFWs). Dahil sa pagtigil ng Red Cross sa pag-testing, natambak ang mga OFWs na magpapa-swab test.

Hindi pumayag si Red Cross chairman at senator­ Richard Gordon sa plano ng gobyerno na babayaran muna ang kalahati sa utang ng PhilHealth, para ma­ipagpatuloy ang COVID-19 testing. Ayon kay Gordon, dapat bayaran nang buo ang pagkakautang dahil marami rin silang bayarin sa Red Cross gaya ng suweldo ng mga medical technologists. Sinabi pa ni hindi profit-oriented organization ang Red Cross. Nakadepende lamang umano ang Red Cross sa pumapasok na pera mula sa gobyerno.

“Lubog sa utang’’ ang PhilHealth. Maaaring hindi lamang sa Red Cross sila may utang kundi sa iba pang ospital, klinika at laboratoryo. At paano kung ganito rin ang maging pasya ng mga pinagkakautangan ng PhilHealth? Paano ang mga maliliit na manggagawang miyembro ng PhilHealth kung hindi sila ma-admit sa ospital o ma-test sa laboratoryo dahil sa pagkakautang ng tanggapan. Kawawa naman sila na umasang mapapakinabangan ang Phi­l­Health sa oras ng kagipitan.

Isa kayang dahilan kung bakit makapagbayad ang PhilHealth sa Red Cross ay dahil wala nang pondo sapagkat kinurakot na ng mga opisyal?

Marami nang kinasuhang opisyal kaugnay sa korap­siyon sa PhilHealth. Pati ang nagbitiw na si dating PhilHealth Chief and CEO Ricardo Morales ay pinakakasuhan. May “mafia” sa PhilHealth dahilan para malimas ang P15 bilyong pondo sa pamama­gitan ng internal reimbursement mechanism (IRM).

Sana mabayaran ngayon ng PhilHealth ang Red Cross para maipagpatuloy ang COVID testing sa OFWs. Bayaran din nila ang iba pang pagkakautang sa mga hospital para hindi nangangamba ang mga maliliit na miyembro.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with