Maling asunto (Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Ang kasong ito ay tungkol sa isang seafarer na namatay habang ginagawa ang kanyang trabaho. Sa ilalim ng batas ay may karapatan ang mga naulila niya sa kaunting kabayaran at sa danyos. Ang tanong ngayon ay kung saan dapat isampa ang reklamo?

Ito ang kaso ni Lando na may apat na anak, sina Virgie, James, Rosie at Jerry. Para suportahan ang mga anak ay nagtatrabaho si Lando bilang second mate sa isang kompanya na nagbibiyahe ng mabibigat na kargamento. Isang pagkakataon, habang may hinihilang kargamento ang lantsa, aksidenteng humampas ang lubid kay Lando. Dahilan para tumilapon sa mga bakal ang lalaki. Isinugod siya sa ospital pero dineklarang dead on arrival.

Ilang buwan ang nakalipas, tinawagan ng kompanya ang mga anak ni Lando. May ibibigay daw P200,000 para sa kanila para sa nangyari sa kondisyon na pipirma sila ng waiver/quitclaim. Hindi pumayag ang mga bata at pagkatapos ay wala na silang narinig mula sa kompanya.

Kaya si Virgie sa kanyang sarili at bilang kinatawan o attorney-in-fact ng tatlong kapatid ay nagsampa ng reklamo sa NLRC RAB VI para humingi ng a) death compensation o kabayaran sa nangyaring pagkamatay ng kanilang ama, b) danyos (actual, moral and exemplary damages) pati bayad sa abogado, c) dagdag na death benefits, at d) kabayaran sa holiday pay, service incentive leave pay at 13th month pay.

Bilang depensa, ipinilit ng kompanya na 1) dapat makatanggap ng death benefits ang mga anak ni Lando mula sa SSS, 2) ang P200,000 na kanilang inalok ay mula sa accidental death insurance na kusa nilang kinuha para sa kanilang mga tauhan pero ayaw tanggapin ng mga anak ni Lando at 3)  nabayaran na nila ang lahat ng benepisyong nauukol kay Lando base sa mga payslip nito.

Matapos marinig ang magkabilang panig at mapag-aralan ang dokumento ng bawat isa ay ibinasura ng Labor Arbiter ang kaso dahil (1) sa SSS dapat nagsampa ng reklamo, (2) walang ebidensiyang naipakita ang mga anak ni Lando tungkol sa pananagutan ng kompanya sa pagkamatay ng kanilang ama, (3) walang basehan ang reklamo sa danyos, (4) nabayaran na kasi ng kompanya ang lahat ng dapat bayaran na benepisyo ng lalaki.

Inapela sa NLRC ang desisyon pero parehas ang naging hatol dangan binago ng kaunti dahil ipinag-utos nito ang agad na pagbibigay ng P200,000 accidental death benefit ng walang kahit anong kondisyon.

Ayon pa sa NLRC ay dapat sa SSS humingi ng death benefits ang mga naulila ni Lando dahil dito lang sa Pilipinas nagtatrabaho si Lando at walang pananagutan doon ang kompanya. Hindi sakop ng kapangyarihan nito ang kaso tungkol sa danyos na dapat ay sa karaniwang korte isampa ng mga naulila.

Nararapat lang na ibigay na agad sa mga anak ang insurance benefit na walang kasamang kondisyon dahil Karapatan nila na tanggapin ito at panghuli, bayad na lahat ng kompanya ang benepisyong dapat ibigay kay Lando. Kinatigan ng CA ang hatol at sinabing walang naging pag-abuso ang NLRC.

(Itutuloy)

TRABAHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with