Davao City No. 1 sa COVID-19 cases sa Pinas
DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Sa unang pagkakataon ay nanguna ang Davao City sa bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas noong Biyernes ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa record ng DOH, may 99 bagong COVID cases ang Davao City na sinundan ng Cavite, 94, Manila, 94, Quezon City, 92 at Negros Occidental, 89.

Nagbabala si Mayor Sara Duterte-Carpio noong nakaraang linggo na tumataas nga ang bilang ng COVID cases sa siyudad at sinabi na rin ng mga doctor sa Southern Philippine Medical Center (SPMC) na hayun at medyo nagkaubusan na ng hospital beds  maliban pa ang mga pasyenteng dinala sa iba’t ibang quarantine at isolation facilities dito sa Davao City.

At isang paraan ang ginawa ni Sara ang muling pagpapaigting ng curfew hours sa Davao City simula noong Oktubre 15. Simula 7:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. ang araw-araw na curfew dito hanggang Disyembre 31.

At higit sa lahat, muling pinairal ang 24-hour liquor ban dito sa siyudad dahil nga ang mga bagong cases ay sinasabing nagkahawaan sa inuman. Isang positive ang dumalo sa inuman at nahawa na ang iba pa. Nagsasagawa na ng contract tracing at lockdown sa mga bahay-bahay na may mga  positive.

Ang nangyari kasi dumarami ang bagong COVID-19 infections dito ngunit hindi naman ganun karami rin ang recoveries na ‘yun sana ang paraan upang maibsan din ang number of active cases dito.

Ayon nga sa mga frontliners, medyo marami na sana ang dapat dalhin sa SPMC upang ipagamot ngunit wala ngang bakanteng hospital beds.

Patuloy tayong magdasal na sana huminto na ang COVID-19 pandemic. May ilan na rin tayong kaibigan at maging mahal sa buhay na namatay dahil sa virus na ito.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with