Shabu supply sa Cebu, natuldukan na! – Sinas
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Nadagdagan na naman ng kinang ang pangalan ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas matapos maaresto ng mga tauhan niya ang isang NPA sa Pasig at isang drug lord sa Cebu, na nakumpiskahan ng 22.1 kilos ng shabu na nagkakahalagang P150 milyon. Siyempre pa, mababawasan na ang supply ng droga sa Cebu at ang source nito sa Metro Manila ay tinutunton pa ng mga bataan ni Sinas.

Hindi biro kasi ang report na 30 kilos ng shabu ang ibinibiyahe ni Gilbert Lumanog galing Quezon City papuntang Cebu kada 2 linggo.Tsk tsk tsk! Ang tanong ngayon, saan galing ang shabu na nakumpiska kay Lumanog? Dipugaaaa!

Ayon sa mga kosa ko, nagsimula lang sa isang maliit na operation sa Cubao, Quezon City ang pagkatuklas sa drug operation ni Lumanog. Sa follow-up operation ng Quezon City Police District at Regional Special Operations Group (RSOG) ng NCRPO, sinundan nila ang isang Toyota Vios na may plakang YKL 974 sa biyahe nitong patungong Bicol. Hindi ito huminto roon kundi tumawid sa Masbate at dumiretso ng Cebu.

Tinugaygayan pa rin ng mga bataan ni Sinas ang kotse na paikut-ikot sa Cebu City, Lapu-Lapu City at Mandaue City at napuna nilang maraming kausap ang sakay nito at nag-aabutan pa ng plastic, paper bags at iba pang container.

Matapos matantiya na droga ang kinakalat ni Lumanog, nakipag-coordinate ang tropa ni Sinas kay Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, ang Central Visayas police director at ikinasa ang buy-bust operation kay Lumanog.

Nasakote ang drug lord sa Bgy. Subabasbas, Lapu-Lapu City bandang 4:30 p.m. noong Oktubre 21. Hindi na pumalag si Lumanog. Dipugaaaa! Di man lang nang-agaw ng baril, ‘no mga kosa?

Kinabukasan, inaresto ng mga tauhan ni Sinas ang teroristang si Esteban Sergio Sales sa 4226 Mars St., Sitio Pinalad, Centennial 2, Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ayon kay Sinas, si Sales, 59, ay ExeCom ng Kilusang Larangang Guerilla 73 sa Bicol at may patong na P700,000 sa ulo. Si Sales ay nagtatrabaho bilang construction worker para matustusan ang pagtatago niya sa Metro Manila. Dipugaaaa!

Abangan!

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with