EDITORYAL - Malaking hamon sa DPWH secretary
EDITORYAL - Malaking hamon sa DPWH secretary
(Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

SINABI ni Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Mark Villar na malaking challenge sa kanya ang mga sinabi ni Presidente na talamak ang corruption sa pinamumunuang tang­gapan. Hindi raw niya ito ikinasasama ng loob bag­kus, malaking hamon para sa kanya para paghu­sayan pa ang pamumuno.

Sa talumpati ni President Duterte noong Lunes, sinabi ng Presidente na talamak ang korapsiyon sa DPWH kung saan, bilyong pondo ang nakukurakot sa mga proyektong pang-imprastruktura. Nangyayari umano ang corruption sa mga projects sa baba.

Pero nilinaw ng Presidente na hindi si DPWH Sec­retary Mark Villar ang kanyang tinutukoy na sang­kot sa korapsiyon. Mula aniya sa bilyonaryong pamilya si Villar kaya hindi na ito mangungurakot. “Si Sec. Villar, mayaman at di na kailangang mangurakot,’’ sabi ng Presidente.

Totoo namang mayaman si Villar at hindi na ma­ngu­ngurakot. Nang kapanayamin ang kalihim sa isang radio program, kung ano ang masasabi niya sa sinabi ng Presidente na talamak ang korapsiyon sa DPWH, sinabi niyang malaking hamon ito sa kanya para pagbutihin pa ang pamamalakad sa tanggapan. Tututukan niya ang mga nangyayaring korapsiyon sa ahensiya. Magiging agresibo umano siya at tatanggap ng mga complaints na may kaugnayan sa katiwalian. Para masimulan ang pagbabago, bumuo agad ng task force si Villar para matutukan ang mga paratang na korapsiyon sa DPWH.

Hindi lamang ngayon umalingasaw ang korap­siyon sa DPWH, noon pa, talagang may nagaganap­ ng korapsiyon sa ahensiya. Sa report ng Commission on Audit (COA), lumalabas na talamak ang overpri­cing sa mga proyekto. Sa katunayan, pinababalik ng COA ang higit P431 milyon na patong ng mga contractor sa mga proyekto.

Kapansin-pansin din na may mga kalsadang hindi naman sira o buong-buo pa pero ginigiba na ng DPWH. Maraming ganitong kalsada na maaari pang daanan pero sinisira na. Isang paraan para makakamal ng pera ang mga contractor.

Malaki ang aming paniwala na ang mga nang­yayaring korapsiyon sa ibaba ay kayang wasakin ni Villar. Gawin niya ito sa lalong madaling panahon.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with