^

PSN Opinyon

General Azurin, ayaw ng online sabong!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DAPAT bigyang parangal ni Interior Sec. Eduardo Año si PRO1 director Brig. Gen. Rodolfo Azurin Jr., dahil sa kan­yang accomplishments laban sa online sabong. Kasi nga, sa kahaba-haba nitong pandemya, si Azurin lang ang may bayag na supilin hindi lang ang online sabong kundi pati jueteng sa kanyang hurisdiksyon.

Kung sinu-sinong mga malalapit kay President Digong ang binanggit nitong management ng Dreamworld online sabong at jueteng ni Tony Ong subalit hindi ito pinansin ni Azurin. Siyam ang inaresto ng mga bataan ni Azurin sa online sabong sa Sitio Casantiagoan, Bgy. West Guiset, sa bayan ng San Manuel samantalang 178 katao ang nadale sa jueteng ni Tony Ong sa ilang bayan sa Panga­sinan.

Ang mga inaresto ay sinampahan ng kasong violation­ ng Bayanihan Heal as One at SWAK sila sa korte. Hindi biro ang accomplishments na ito ni Azurin dahil ang iba pang regional commands ng PNP ay BOKYA. Kaya’t sapat na ito para mapili ang PRO1 na Best Regional Command. Ano sa tingin mo Sec. Año Sir? Hak hak hak!

Inaabangan ko pa kung anong PRO ang tatalima sa kautusan ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP Deputy Chief for Administration, na hulihin ang online sabong at tupada sa kanilang hurisdiksiyon. May report na gerilya operation na ang jueteng ni Tony Ong sa Pangasinan at may basbas ito ni alyas Ama, at kasalukuyang inaalam ito ni Azurin.

Natuwa naman ang kosa kong si Jerry Yap sa kautusan ni Eleazar na hulihin ang lahat ng online sabong at tupada dahil bawal pa ito sa panahon ng pandemya. Niloloko lang ng online sabong ang gobyerno ni President Digong dahil hindi sila nagbabayad ng buwis. “Sana all,” ‘yan ang komento ni kosang Jerry, na ibig sabihin lahat ng online sabong at tupada sa bansa ay walisin.

Sinabi naman ni kosang Joey Venancio na madali lang mamonitor ang operation ng online sabong dahil i-click mo lang sa Google at makikita na ang ebidensiya dun. At ang pinakamalakas na online sabong ay ang kay negosyanteng Atong Ang, ang sabi pa ni kosang Joey. Ewan ko lang kung alam ng anti-cyber crime division ng PNP at NBI itong tip ni kosang Joey. Dipugaaaa!

Halos isang linggo na ang kautusan ni Eleazar na habulin itong online sabong at tupada at ang opisina lang ni Lt. Gen. Cesar Hawtorne Binag, ang PNP Deputy Chief for Operations ang unang makakaalam ng resulta nito. Abangan.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with