EDITORYAL - Kalkalin pa ang âpastillasâ scam
EDITORYAL - Kalkalin pa ang ‘pastillas’ scam
(Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

Talamak ang korapsiyon sa Bureau of Immigration at dapat na itong maputol. Nararapat nang may mangyari sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa tanggapang ito. Halukayin pa nang todo para mahubaran ang mga korap na Immigration officials na sangkot sa “pastillas” scheme. Umaabot na sa P40 bilyon ang naibubulsa ng mga korap sa Immigration mula pa 2017. Bukod pa rito ang Visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatutupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa. Ito ang inihayag ni Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng senate committee on women tungkol sa modus sa Immigration.

Sa ilalim ng ‘‘pastillas’’ scheme, lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng visa upon arrival (VUA) system ay magbabayad ng P10,000 sa immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa. Ipinaliwanag ni Hontiveros na sa ilalim ng pastillas, ang pera ay pumapasok sa airport saka ibinibigay sa immigration officers habang sa VUA transactions naman ay diretsong napupunta ang suhol na pera sa main office kung saan inaaprubahan ang mga visa.

Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ nang ibulgar ng whistle blower na kaya madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Off­shore and Gaming Operators (POGOs) ay dahil sa mga corrupt sa kanilang tanggapan. Nangyayari umano ang “pastillas”’ modus sa NAIA Terminal 1 at 3.

Tinawag na “pastillas” ang modus ng mga corrupt­ na BI officials dahil ang perang ipinangsusuhol sa kanila ay binibilot na hawig sa matamis na pampasalubong na “pastillas. Una nang itinuro ng whistle­blower si dating­ BI Ports Operations Division (POD) Chief Red Mariñas na ringleader ng pastillas scheme. Itinanggi naman ito ni Mariñas.

Labingsiyam na BI officials ang sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation noong nakaraang buwan pero sabi ng whistleblower wala sa mga ito ang “malalaking isda” na sangkot sa “pastillas” scheme.

Tapangan pa ng Senado ang pag-iimbestiga. Kal­kalin pa ang mga taong nasa likod ng “pastillas’’ modus. Tiyak na marami pang “malalaking isda” ang sangkot. Hindi dapat makaalpas ang mga “malalaking isda” na kumita na ng P40 bilyon. Nararapat nang maputol ang korapsiyon sa Immigration.

VUA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with