‘Antibody therapy’ kontra COVID-19
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

Ginagaya nito ang pag-alma ng katawan sa impeksiyon, kaya raw mainam kontra sa C-19. Limang kompanyang Amerikano ang nag-uunahan maglabas ng gamot. Bukod sa panglunas, pang-iwas din. Sana wala nang ulit impeksiyon--gaya kay Sen. Migz Zubiri. ‘Di tulad ng ibang lunas dinisenyo ito para sa C19. Pero dapat daw sabayan ng bakuna.

Napatunayan nang mabisa ang teknolohiyang antibody therapy sa malaria at HIV. Napapahupa ang impek­siyon­­ dahil tinutularan ang natural na paglaban ng katawan. Lumilikha ang katawan ng antibodies kapag naka-engku­wentro ng foreign bodies, tulad ng SARS-CoV-2. Nabubuo ang antibodies nang dalawang linggo, at sinasakal ang virus.

Sa ilang pasyente mabagal ang paggawa ng antibo­dies, kaya mas mabilis dumarami ang virus at ginugupo sila ng sakit. Solusyon ang paggawa ng antibodies sa laboratoryo para ibigay direkta sa pasyente. Kapag ang gan’ung antibodies ang isinabak kontra COVID-19 papalibutan nila ang virus. Pipigilan ng antibodies ang virus kumapit at pahinain ang cells ng mata, ilong, bibig, larynx, trachea, at baga.

Hindi lang pababagalin ang sakit. Maari rin ibigay sa mga high risk -- seniors, comorbid, buntis -- para iwas-sakit. Kaya lang ilang buwan lang malamang ang bisa. Kaya mainam kung sabayan o sundan agad ng bakuna. (Sa bakuna, pinahinang virus ang binibigay sa tao, para matuto ang katawan lumikha ng pangontrang antibodies.)

Sa pharmaceutical industry maraming bagong gamot ang pumapalpak sa clinical at field tests. Pero ganado ang mga mananaliksik sa antibody therapy. Marami nang tagumpay dito. Naisasalin ng ina sa anak ang immunity, sa paglago sa placenta ng antibodies na gawang-laboratoryo, at sa pagpasuso. Nagamot din nito ang 67% ng may Ebola.

Ang isyu na lang ay presyo at bilis ng paggawa ng gamot.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with