EDITORYAL -  Kastiguhin ang mga maiingay
EDITORYAL - Kastiguhin ang mga maiingay
(Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

Seryoso ang Philippine National Police (PNP) na panatilihin ang katahimikan sa buong bansa sa panahon ngayon na ang mga estudyante ay nag-o-online classes at marami rin sa mga empleyado ang naka-work-from-home. Nais ng PNP na walang maka-istorbo sa mga estudyante at empleyado.

Sinabi kamakailan ni Philippine National Police­ (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan na hihi­lingin nila sa local government units (LGUs) na mag­pasa­ ng ordinansa na nagbabawal mag-karaoke o mag-videoke para hindi makaabala sa mga nag-o-online classes at nagwo-work-from-home.

Sabi ng PNP chief, kung mayroong ordinansa na nagbabawal sa pag-iingay sa komunidad gaya nang pag-videoke, nakahanda ang PNP na tumugon para masaway ang mga maiingay. Maglalaan umano ang PNP ng dalawang pulis para samahan ang barangay officials. Sabi pa ni Cascolan, magsi-setup sila ng Barangay Assistance Desks para mayroong mapagsusumbungan kapag mayroong mga mai­ingay at nakakaistorbo sa barangay.

Hindi lamang ang mga estudyante ngayon ang apektado ng mga maiingay kundi pati na rin ang mga empleyadong naka-work-from-home. Mula nang mag-lockdown sa Metro Manila noong Marso, maraming empleyado ang naka-work-from-home at malaking sagabal sa kanilang pagtatrabaho ang ingay sa paligid, partikular na ang mga nagbi-vi­deoke lalo kung may birthday. Mayroong mga ma­iingay na matapang pa kapag sinita. Katwiran ay nasa loob naman sila ng bahay kaya hindi sila dapat pagbawalan.

Sinabi naman ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, na maaaring ireport ng mamamayan sa PNP ang mga taong nagbi-videoke sa panahong ang mga estudyante ay naka-onlines classes. May hotline numbers ang PNP at mayroon ding Facebook account na tatanggap ng reklamo laban sa mga maiingay sa barangay, lalo ang mga walang pakundangang nagbi-videoke. Narito ang hotlines: PNP Helpline 16677, 0998-849-0013 para sa Smart users, 0917-538-2495 para sa Globe users at ang PNP-Highway Patrol Group Hotline 0926-225-5474.

Kastiguhin ang mga maiingay na nakakaistorbo sa mga nag-aaral at naghahanapbuhay. Dapat maturuan sila ng leksiyon.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with