^

PSN Opinyon

Ekonomiya, turismo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAS maraming pampasaherong jeepney ang pinayagan nang pumasada kung saan isang silyang pagitan na lamang ang kinakailangan. Mas maraming pasahero ang papa­yagan na sa MRT. Ang mga negosyo ay pina­yagan nang tumanggap ng halos 100 porsyento ng kanilang kapasidad. Ilang hotel ang pinayagan na ang “staycation­”.

Mas iiklian pa ang oras ng curfew. Ang Baguio City ay tatanggap na ng mga turista mula sa Luzon muna pero kaila­ngang magpakita ng negatibong swab test. Ganundin sa Ilocos Norte.

Ito ang mga hakbang na pinayagan na ng adminis­trasyon dahil na rin sa kinakailangang buhayin ang eko­nomiya. Malakas ang panawagan mula sa maraming sektor na buksan na nga ang ekonomiya at marami na ang nahihirapan, nagugutom, walang sahod o kita. Wala namang argumento diyan.

Pero may babala kaagad ang ilang grupo sa madalian o malawakang pagbubukas ng ekonomiya. Nan­diyan pa rin ang peligro ng COVID-19. Baka masayang lang ang nagaganap na pagbawas sa bilang ng impeksyon. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagkakaroon nang mabilisang pagtaas ng bilang ng mga bagong impeksyon sa Europe dahil na rin sa tinatawag na “pandemic fatigue” o ‘yung nagsasawa na sa mga alituntunin na may kinalaman sa COVID-19 tulad ng pag-iingat tulad ng quarantine, pagsuot ng mask pati na rin ang pag-testing.

Maingat na nga tayong mga Pilipino. Halos lahat ng nakikita ko ay nagsusuot ng face mask at face shield lalo na sa labas ng tahanan. Maraming gumagamit ng alcohol o hand sanitizer. May mga temperature check bago pumasok kung saan-saan. Ang hinahanap ngayon ng gobyerno ay mabilis na pag-testing para mas makaikot ang tao at mabuhay ang turismo.

Hindi naman puwede ang walang testing ayon kay DOT Sec. Puyat. Kung hindi maingat, dadami muli ang bilang ng mga positibo para sa COVID-19. Alam kong maraming pagod na nga sa mga pag-iingat na ito. May mga nangangati na ang mga mukha o dumarami ang pimples dahil sa tagal ng pagsuot ng face mask pero kailangan talagang gawin.

 May mga kilala naman ako na hindi pa rin kumportableng lumabas na walang dahilan. May mga kilala rin ako na ayaw munang sumakay ng pampublikong transportasyon dahil sa takot mahawahan. Hindi pa talaga normal ang sitwasyon. Wala pa tayong magagawa diyan hangga’t magkaroon ng mabisang bakuna na sa ngayon ay malayo pang malikha. Kaya mag-ingat pa rin, kahit tila pinipilit na maging normal lahat ng aspeto ng buhay.

vuukle comment

TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with