Sabong puwede na
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

PAPAYAGAN na raw ang sabong sa mga lugar na ma­baba na ang kaso ng COVID-19. Mukhang malulunasan na ang pag­kauhaw ng mga sabungero sa pagbibitiw ng kanilang mga tinaling manok mula nang ipagbawal noong Marso ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Interior Sec­retary Eduardo Año. Kung sabagay malaking buwis naman ang makakalap ng pama­halaan mula sa mga cockpit arena kapag naging legal na ang pa-derby ng mga bilyonaryong sabungero.

Kaysa naman bokya ang gobyerno sa mga ilegal derby at patupada ng mga bigating tao sa bansang ito na gatasan naman ng mga pulis. Hindi naman kasi napigilan­ ang mga pasabong sa iba’t ibang lugar mula nang isaila­lim sa enhance community quarantine ang bansa dahil abala ang pamahalaan lalo na ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) sa pag­galugad sa mga sindikatong nagbe­benta ng mga over price na face mask, personal protected equip­ment, alkohol at iba pa para makaiwas sa COVID-19.

At ang pinakamalaking pinagtuunan ng kapulisan at NBI agents ay ang pagsalakay sa mga bodega ng mga ilegal na gamot, laboratoryo at sekretong klinika ng mga Chinese. Kaya ang operasyon kontra ilegal na sabong ay naisantabi, na naging palabigasan naman ng mga tiwaling pulis na ang ilan sa mga ito ay mismong mga opisyal pa ng PNP, ang mga barangay officials naman ay nag-umapaw rin ang bulsa mula sa padulas ng mga sabu­ngero, siyempre hindi pahuhuli riyan ang kabig ng local officials. Gets n’yo mga suki?

Subalit ngayon mukhang umiba na ang takbo dahil marami ang lumakad sa IATF, DILD, NBI, PNP at LGU’s na payagan na ang sabong sa mga lugar na kakaunti na lamang ang nahahawahan ng COVID-19 na muling buksan ang pintuan ng mga sabungan upang pakawalan ang mga manok na pagpupustahan ng mga sugarol at adik sa sabong. Hehehe!

Ngunit may pangamba ang aking mga kausap, muk­hang tataas ang kriminalidad kapag pinayagan ang sabong­ sa buong bansa. Kasi nga, oras na matalo ang mga ito tiyak na magnanakaw o kaya’y manghoholdap ang mga ito upang may ipantustos sa kanilang bisyo. Ang masakit pa nito, sa mga online sabong ay tila bokya ang Duterte administration sa pagkolekta ng buwis. At titiba lamang dito ay ang mga milyonaryong financiers sa online sabong. Kaya ang mga nagugutom na pa­milya na nagumon sa sabong ay siya namang kakalinganin ng pamahalaan upang mapakain at maipagamot.

Bakit kasi hindi kayang ipatanggal ng Malacañang ang online sabong gayung ang mga website ng PNP at AFP ay binura ng Facebook? Dapat kumilos ang PNP at NBI Cyber Crime Groups sa mga site ng online sabong kung sinsero sila na ipatigil itong illegal na sabong sa website.

Kasi nga habang patuloy itong online sabong ay di mawawala ang hinala ng mga nagugutom na pamilyang Pinoy na nakikinabang ang mga buwaya sa pamahalaan ni Duterte. Malaking tulong na pambili ng gamot para sa mga naghihikahos na kababayan at PPEs na kailangan ng frontliners na kumakaharap sa COVID-19.

Sa panahon ngayon na kapos na ang pamahalaang Duterte sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na naka-lock down dahil sa local transmission ng COVID-19, nararapat lamang na kolektahin ang buwis sa mga online sabong nang makalikom nang malaking pera para maipantustos sa mga tinamaan ng COVID. Kilos PNP, NBI at GAB kontra online sabong.

Abangan!

COCKFIGHTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with