^

Dagdag sahod para sa Proud Makatizen nurses

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2020 - 12:00am

Hindi lingid sa aking kaalaman ang hirap ng katawan at haba ng oras ng trabaho ng isang nurse. Personal kong nakita sa magkakaibang pagkakataon ang kanilang pagmamahal sa trabaho at sa kanilang mga pasyente.

Alam ko rin na sadyang napakababa ng kanilang suweldo, lalo na ang mga entry level nurses, o ‘yung nagsisimula pa lamang magtrabaho.

Noong pumutok ang pandemya, higit na naging mahalaga ang mga nurse sa paglaban natin sa COVID-19. Sa Lungsod ng Makati, kinailangan naming magdagdag ng 56 na nurses para matugunan ang pagdagsa ng mga pasyente sa Ospital ng Makati at mga health center sa barangay.

Sa gitna ng krisis, sinisikap naming mapagaan ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, sasakyan papasok at pauwi mula sa trabaho, mga kagamitang pamproteksiyon, bakuna laban sa flu at pneumonia, at bitamina. Tumatanggap din sila ng hazard pay, subsistence allowance, laundry allowance at personnel economic relief allowance mula sa lungsod. Ngunit para sa karamihan na tumatayong breadwinner ng pamilya, hindi pa rin ito sapat.

Kaya laking tuwa ko nang maaprubahan ng national government ang pagtaas ng kanilang sahod simula nitong Hulyo. Nagpapasalamat ako na maagap na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang P55.17 milyon na karagdagang badyet upang mapataas ng sahod ng mga entry-level o Nurse 1 sa Lungsod ng Makati. Mula sa da-ting P22,316 ay naging P32,053 ang kanilang buwanang sahod. Malaking tulong na ang mahigit sa P9,000 na nadagdag sa kanilang kinikita.

Sa palagay ko, marami nang mga board-certified nurse ang mahihikayat na maglingkod sa government hospitals at iba pang public health care facilities, sa halip na pumasok sa ibang linya ng trabaho sa pribadong sektor o mangibang-bansa.

Umaasa akong maibibigay din ng iba pang mga pamahalaang lokal sa buong bansa ang naturang umento, na nararapat matanggap ng mga nurse dahil sa kahanga-hanga nilang katapatan at dedikasyon sa tungkulin.

Muli, taos-pusong pasasalamat at pagpupugay sa ating mga healthcare professional, lalo na sa mga #ProudMakatizen nurses. Mabuhay kayo!

NURSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with