Combat 1-38, bagong sugal sa panahon ng COVID-19!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

Kahit rumaragasa pa ang COVID-19 sa bansa, kung anu-anong online na sugal ang sumulpot na tinatangkilik naman ng mga Pinoy na adik sa sugal. Mayroong online sabong na ipinagbawal pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) at sa ngayon ang kinagigiliwan naman ng mga sugarol na Pinoy ay ang tinatawag na Combat 1-38 na ang sentro ng operation nila ay sa Bula, Camarines Sur.

Ang sistema ng Combat 1-38 ay parang jueteng din, at tulad ng online sabong, ang tayaan dito ay sa gadget din. Kaya lang kung sa jueteng ang numero lang ay 1-37 dito naman sa bagong laro ay 1-38 kaya mas mahirap itong tamaan dahil sa dagdag na isang numero. Dipugaaaa!

Sinabi ng mga kosa ko na ang bangka ng Combat 1-38 ay sina Alyas Zaldy at Homer, di ba kosang Cris Sir? Ang tayaan ay nasa gadget, at gaya sa online sabong, ang mga cabo ay binibigyan ng tinatawag na “load” para masiguro na may pambayad ang mga taya ng parukyano nila. ‘Ika nga parang bond ito.

Kapag nanalo ang mananaya, ang bayaran ay sa GCash o Paymaya kaya mahihirapan ang mga pulis na hulihin ito. Hindi rin ito mamo-monitor dahil may sariling jueteng apps sina Zaldy at Homer kung saan ang mga cabo at mga parukyano lang ang binibigyan nito para mapanood ang bola ng winning comdination na tatlong beses din sa isang araw.

Ang tinatawag na draw court nitong Combat 1-38 ay nandito sa Metro Manila at alam ‘yan ni kosang Cris ng Quezon City. Dipugaaaa!

Kapag hindi nasawata ang Combat 1-38, ang tatamaan nito ay ang kubransa ng Small Town Lottery ng Everchance Gaming Corporation, na isa sa 61 STL areas na pinabuksan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma kamakailan lang.

Alam kaya ni Col. Roderico Roy Jr., provincial director ng PNP sa Camarines Sur ang operation ng Combat 1-38? Dahil stay at home ang karamihan sa mga Pinoy sa ngayong panahon ng pandemya, may libangan na naman sila at ‘yan ay ang sugal na Combat 1-38, di ba mga kosa? Abangan!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with