Mga negosyo pautangin para sa 13th month pay
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2020 - 12:00am

Terible ang epekto sa mga negosyo ng COVID-19. Kaya ngayon paparating ang Pasko, maraming kawani ang nalulungkot dahil wala raw kakayahan ang mga tanggapang pinapasukan nila na makapagbigay ng 13th month pay.

Kapag ganyan ang nangyari, baka ang mga mahihirap nating kababayan ay hindi makakayanang bumili kahit na kapirasong mumurahing keso para ipagdiwang ang dalawang importanteng okasyon: Pasko at Bagong Taon.

Totoo naman ito. Lubhang limitado pa rin ang galaw ng mga negosyo lalu na ang mga restaurant kaya kakati-ting lang marahil ang kanilang kinikita sa mga panahong ito. Kahit pa sabihing medyo niluwagan na ang dating mahigpit na restriksyon sa galaw ng tao at mga negosyo, matumal pa rin ang pagpasok na kinikita hangga’t hindi naibabalik ang dating normal na situwasyon.

Pumasok ka sa mga fast food resto at mapapansin mo na ang mga lamesang pangdalawahan ay isa ang puwedeng gumamit. Malaking kabawasan ito sa kinikita ng mga restaurants. Sa katotohanan, marami nang mga fast food resto ang nagsara dahil halos wala nang pumapasok na customer para kumain.

Ganyan din naman ang nangyayari sa ibang mga negos­yo. Lahat ay apektado ng pandemyang dinaranas ng buong daigdig.  Sana ay mapagtibay ang mungkahi ni Albay Rep. Joey Salceda na nakapaloob sa isang aide memoire na isinumite sa Department of Labor and Employment.

Ipinapanukala niya na bigyan ng pautang ang mga kompanya upang maski papaano’y maipagkaloob ang inaasahang 13th month pay o bonus ng mga manggagawa. Hindi nga naman makabubuti sa ekonomiya kung papayagan ng gobyerno na huwag magbigay ng 13th month pay ang mga kompanya sa mga manggagawa nito.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with