^

PSN Opinyon

Prayoridad pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Imbes na maglatag ng dinurog na dolomite sa baybayin ng Manila Bay, dapat ginastusan na lang ang rehabili­tasyon ng mga bakawan o mangroves. Ito ang pahayag ng UP Institute of Biology sa kanilang nais na tumulong sa rehabilitasyon ng Manila Bay, pero sa pamamagitan ng agham at hindi pagpapaganda lamang.

Ang paglatag ng dolomite ay walang naitulong sa planong ayusin ang mga problema ng Manila Bay, ayon sa grupo. Hindi rin daw totoo na walang pangmatagalang masamang epekto ang paglatag ng dolomite sa kalikasan.

Siguradong hindi na makikinig ang DENR sa anumang grupo o tao na magbibigay ng pangontra o batikos sa nasabing “dolomite beach”. Ang mahalaga lamang sa kanila ay aprubado ni Pangulong Duterte ang proyekto. Umaabot sa P389 milyon ang halaga ng proyekto kung saan dinurog na dolomite mula Cebu ang nilalatag sa Manila Bay.

Pero ang huling balita noong nakaraang buwan, sinus­pende ni DENR Sec. Roy Cimatu ang dalawang kom­pan­yang nagmimina ng dolomite dahil sa umano’y peligro ng kanilang operasyon sa kalikasan partikular sa mga bahura. Iimbestigahan daw muna ang mga alegasyon.

Naunang naglabas din si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ng utos na ipatigil ang operasyon ng dalawang kompanya dahil hindi raw awtorisado ang mga ito.

Sa kasalukuyang nagaganap na gulo sa liderato ng Mababang Kapulungan, ang pagpasa ng budget para sa darating na taon ang tila naaantala dahil hindi pa raw tapos ang mga deliberasyon.

Kasama sa budget na iyan ang malaking pondo para laban kontra COVID-19 at lahat ng may kaugnayan dito. Kaya minamadali na ni Duterte mismo ang Kamara para ipasa. Mahirap namang intindihin na magsasalita ang Palasyo na kailangan nang ipasa ang bagong budget para magamit ang nakalaang budget panlaban sa pandemya, kung may ginastos nga na milyun-milyon para sa pagpapaganda lamang ng baybayin ng Manila Bay.

Maganda nga ang malalakaran mo, pero ano naman ang amoy ng Manila Bay? Kung puti nga ang buhangin diyan, handa ka na bang lumangoy? Mahirap talagang intindihin ang prayoridad.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with