^

PSN Opinyon

Konsiderasyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAIS ng Philippine National Police (PNP) na maglabas ang mga opisyal ng mga barangay ng ordinansa laban sa pagka-karaoke at maiingay na aktibidad. Dahil sa work from home na ginagawa ng karamihan ngayon, pati na rin ang distance pearning ng mga mag-aaral, mahalaga ay hindi sila naiistorbo ng perwisyong ingay. Tutulong ang PNP para ipatupad ito ng barangay. Kung hindi pa rin susunod ang maingay, mga pulis na ang haharap sa mga ito.

Sa totoo lang, may nuisance law kung saan wala na dapat maingay pag sapit ng alas diyes ng gabi. Pero alam natin na hindi naipatutupad ito ng mga opisyal ng barangay at tila wala ring pakialam ang mga pulis.

Alam ko ito dahil napilitang lumipat ng tahanan ang ka­patid ko dahil sa walang konsiderasyon ng kabilang gusali kung saan madalas may karaoke at inuman. Umaabot pa nga ng pagsikat ng araw ang ingay ng mga ito.

Ilang beses din nagreklamo ang kapatid ko sa malapit na istasyon, pero kapag pinuntahan na ng pulis ay tatahimik lang ng kalahating oras.

Wala talagang may gusto ng maingay na lugar lalo na sa gabi. Kailangan talagang magkaroon ng ngipin ang nuisance law. Kung ang nais ng PNP ay kumilos ang mga barangay, dapat nga na tumulong din sila. Iba na ang pana­hon ngayon. Iba na ang sitwasyon.

Mahirap mag teleconferencing kung may kumakanta sa kalsada. Nakatulong ang curfew nang husto itong mga nakaraang buwan. Tahimik ang kapaligiran maliban sa paminsan-minsang ingay ng ambulansiya, o ang babala o paalaala ng barangay sa mga lumalabas pa ng tahanan. Pero may panukala na alisin na ang curfew. Baka hindi pa panahon.

 Kung tatanggalin na ang mga curfew sa lahat ng siyudad, dapat ay ipatupad nang husto ang nuisance law. Naiintindihan ko libangan ng marami ang kumanta. Pero nagagawa nga ito sa tamang lugar at oras.

Dapat ding pag-aralan ang pagbawal ng trabaho sa mga proyekto kung saan gumagamit nang malalaking makinarya sa madaling araw kung malapit sa mga tahanan. Konsiderasyon lang naman ang nais.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with