^

Safe at Ready Makati

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2020 - 12:00am

Ang COVID-19 pandemic na marahil ang pinakamatinding hamon na sumubok sa katapatan sa tungkulin ng mga ling­kod-bayan ng pamahalaang lungsod na binubuo ng halos 10,000 mga opisyal at kawani.

Sa kabila ng nakaambang panganib sa kanilang buhay­, magiting nilang ipinagpapatuloy ang paghahatid ng ser­bisyo sa mga Makatizen. Dahil sa kanilang sipag at dedi­kasyon sa tungkulin, tagumpay naming naipapatupad ang bawat programa at proyektong nagsusulong ng ka­ayusan, kaligtasan at kaginhawahan sa lungsod sa pana­hong ito ng krisis.

Ngunit batid naming kailangan din nila ng sapat na proteksyon upang manatiling malusog at maipagpatuloy ang paglilingkod, maging sila man ay regular, casual, con­tractual o job order. Ang pagbibigay sa kanila ng lib­reng face masks at face shields ay isa sa mga hakbang na aking naipatupad simula nang magkapandemya. Karagdagang proteksyon ito hindi lamang para sa kanila, kundi para rin sa kanilang mga pamilya, katrabaho, at mga pinaglilingkurang mamamayan.

Sinimulan naman noong Hulyo ang pagbibigay ng lib­reng bakuna laban sa flu at pneumonia sa aming mga kawani upang maiwasan ang mga kumplikasyong maa­aring idulot ng COVID-19. Nitong Setyembre, umabot na sa halos 7,700 kawani ang nabigyan ng trivalent flu vaccine habang mahigit 5,300 naman ang nabigyan ng pneumonia vaccine. Maging ang mga naka-work-from-home na kawani ay isinama namin sa vaccination drive dahil mahalaga rin ang ginagampanan nilang tungkulin sa aming mahusay na paghahatid ng serbisyo.

Patuloy din naming binibigyan ng libreng vitamins tulad ng Vitamin C at B-Complex ang aming mga kawani upang palakasin ang kanilang resistensya laban sa sakit, lalung-lalo na ang frontliners tulad ng health workers at iba pang mga lingkod-bayan na direktang nakakasalamuha ang taumbayan. Kasama rito ang mga tagapaghatid ng libreng gamot ng senior citizens, social workers, at traffic enforcers.

Bilang tapat naming kaagapay sa tuluy-tuloy na pag­hahatid ng serbisyo publiko, marapat lamang na mabig­yan­ sila ng sapat na proteksiyon upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Gayundin, naitataguyod namin ang kapakanan ng mga residente at madla dahil sa mga hakbang na ito na nakakatulong upang mapanatili silang malusog at ligtas habang tumatanggap ng mga benepisyo at ayuda mula sa pamahalaang lungsod.

Tunay na mahalaga ang pagiging COVID-free ng aming mga lingkod-bayan at mga tanggapan sa epektibong pagpigil sa pagkalat ng sakit na ito, nang tuluyan na itong mapuksa at tayong lahat ay makabangon para sa panibagong simula.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with