^

PSN Opinyon

Puwedeng makialam ang Pangulo sa House

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Alam natin kung gaano kahalaga na maaprobahan sa oras ang P4.5 trillion national budget lalo pa’t kailangan ng pamahalaan ang pondo sa panahon ng pandemya.

Pero dahil sa sigalot ng dalawang nagtutunggali sa pag­ka-speaker ng Kamara de Representate, ito ay naba­balam. Hindi makabubuti kung magkakaroon ng re-enacted budget sa susunod na taon dahil mas mahigpit ang panga­ngailangan ng bansa sa pondo dahil may kinakaharap tayong pandemya.

Kahit ayaw makialam ng Pangulo kina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na umiinit ang hidwaan sa term sharing sa pagka-Speaker, halatang banas na siya kaya nanawagan siya sa pagka­karoon ng espesyal na sesyon para maipasa na ang budget. Puwedeng gawin ito ng Pangulo.

Totoong hindi dapat nakikialam ang Pangulo sa Kongreso bilang isang co-equal branch ng Ehekutibo. Pero bilang namumuno sa party in power, puwede niyang himukin ang mga kapartido niyang mambabatas na magdaos ng espesyal na sesyon. Kaya ang mayorya ng mga mambabatas ay tatalima sa gusto ng Pangulo na magdaos ng espesyal na sesyon sa Oktubre 13 hanggang 16.

Magugunita na minadaling aprobahan ang General Ap­­propriations Bill o pambansang budget kamakailan lang at kasunod nito ay sinuspinde ni Cayetano ang sesyon para muling buksan sa Nobyembre. Naging kontrobersyal at ques­tionable ang hakbang na ito ni Cayetano.

Sa tingin ko, talagang sagad na sa pagkainis ang Pa­ngulo sa mga nangyayaring ito.

Kung puwedeng himukin ng Pangulo ang Kongreso sa pagdaraos ng espesyal na sesyon, puwede rin niyang hikayatin ang mga mambabatas ng mayoryang partido na pumili ng ibang leader bukod kina Cayetano at Velasco para lang matapos na ang iringan ng dalawa. Baka diyan na makapasok si Rep. Martin Romualdez.

Pero naiisip ko rin na kapag nagkataon, bilang respeto sa Pangulo, baka ang piliin pa ng mayoryang mga mamababatas na gawing Speaker ay si Rep. Paolo Duterte na anak ng Pangulo.

Kapag nangyari iyan, parehong luhaan sina Cayetano at Velasco.

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with