^

PSN Opinyon

COVID sa Pinas bumababa na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAHIL kung ang pamahalaan ang maghahayag ng balita, ito ay puwedeng pagdudahan ng mamamayan at sabihing “self-serving. Pero ang nagsasabi mismo na humu­hupa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay isang indipindiyenteng grupo ng mga mananaliksik na ang tawag ay OCTA Research team.

Pero kung duda pa rin tayo ay bigyan natin ng benefit of the doubt para kahit bahagya man ay mabuhayan tayo ng pag-asa na matatapos din ang pandemyang dina­ranas natin at ng buong daigdig.

At bago naman tayo maging kampante kasunod ng magandang balitang ito, may itinatagubilin ang mga re­searcher. Iyan ang pagpapatupad ng mas estriktong qua­rantine measures sa ilan pang piling lugar sa bansa na ‘di pa masyadong kontrolado ang pandemya.

Sabi ng research group, bagama’t may naitatala pang bagong kaso ng COVID-19, kapansin-pansin naman na malaki ang  pagbaba ng mga kaso. Ibig sabihin, buma­bagal ang reproductive rate ng virus sa buong bansa pati na sa Metro Manila na siyang naging epicenter ng pandemya. Ito ay nasa 2,500 na lang kada araw sa buong bansa at 1,000 na lang kada araw sa Metro Manila.

Ngunit nilinaw naman ng mga mananaliksik na posibleng tumaas muli ang growth rate ng COVID kung magpapabaya tayo. Hindi ito irreversible. Kailangan pa rin mag-effort ang pamahalaan at mamamayan para masustine ang downward trend na ito ng sakit hanggang sa tuluyang maglaho.

Magandang balita ito dahil kailangang makabalik sa normal ang galaw ng mga mamamayan at negosyo alang-alang sa kaunlaran ng ating bansa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with