‘Magsasakang Reporter’eere na sa TV
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

TAMA ang kasabihang “Kapag may tiyaga may nilaga”  dito ko inihalintulad ang buhay ni Mer Layson. Si Mer mga suki ay dati kong kasamahan sa Manila Police Dis­trict Press Corps (MPDPC) mula early 90’s hanggang 2016. Naging kasama ko siya sa mga coverages dahil mula rin siya sa pagiging photographer at radio reporter dahil dito niya kinukuha ang kanyang gastusin o panustos sa kanyang pag-aaral. Nagbunga naman ang kanyang pag­pupursige na makatapos ng Masscom.

Ito na ang naging daan na maging regular na reporter siya sa mga pahayagan at radyo. Hanggang mapabilang siyang maging reporter ng PM PangMasa na sister company ng Pilipino Star Ngayon na aking pinaglilingkuran. Si Mer din ang pumalit sa aking puwesto bilang MPDPC President nang matapos ang aking termino noong 2014.

Malaki ang naging improvement ng samahan at kaayusan ng MPDPC ng pamunuan niya ito ng dalawang termino. Kaya proud ako na siya ang pumalit sa akin bilang Pangulo ng MPDPC dahil nadagdagan pa niya ang pagpapaayos ng opisina at napag-isa ang mga miyembro at opisyal ng Manila Police District.

Umangat ang kanyang katanyagan bilang regular reporter ng PM at PSN. Subalit alam ba ninyo na bukod sa magaling si Mer sa pagsusulat naging tanyag din itong magsasaka ng bansa. Kaya tinagurian siyang “Magsasakang Reporter” dahil sa napaangat niya ang ani ng soya bean, mais, palay at pag-aalaga ng manok, baboy at isda sa kanyang maliit na farm sa Pampanga.

At nang manalasa ang COVID-19 sa bansa, lalong tumanyag si Mer sa pag-aalaga ng halamang gulay at organic plants sa loob ng bakuran o sa mga beranda ng bahay na tinawag na urban gardening. Hindi naging­ maramot si Mer sa kanyang kaalaman kung kaya ibina­bahagi niya ito sa mga kababayan nating gustong matuto ng paghahalaman sa pamamagitan ng libreng seminar mismo sa kanyang bahay sa Paco, Manila.

Ang magandang balita mga suki, lalo pa ninyong makakalapit ng kalooban si Mer dahil eere na ang Magsasakang Reporter sa television ngayong Oktubre, hehehe! Mapapanood na simula bukas (Linggo, October 11, 7:00-8:00 a.m.) ang Masaganang Buhay program ng “Magsasakang Reporter”.

Ang Masaganang Buhay ay isa sa mga bagong ng programa sa OnePH Cignal TV Channel 1 ng kapatid network na TV-5. Ang “Magsasakang Reporter” na si Mer ay ginawaran ng To Farm bilang isa sa Most Oustanding Farmer of the Philippines 2016 on Agri-Intreprenuer at 2017 BCYF Innovation award bilang Oustanding Agri-Business..

Isa ring blogger si Mer na ang kanyang Youtube Channel na Ang Magsasakang Reporter ay may 110,000 subscriber na. Sa loob lamang ng anim na buwan ay naabot ang silver botton play dahil sa kapaki-pakinabang na pagtuturo nito sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman at Do it Yourself Tips.

Isang lehitimong magsasaka si Mer, bata pa lamang ay bihasa na sa gawaing bukid at pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman. Sa edad na 16 ay lumuwas siya ng Maynila, nag-self support student, nakatapos ng Masscom hanggang maging reporter.

Dahil nasa puso ni Mer ang pagsasaka at ikinararangal ang pagiging magsasaka dahil naniniwala siya na kung walang magsasaka ay magugutom ang kanyang kapwa. Kaya ang pagtatanim at pagsasaka sa probinsiya ay dinala niya sa Metro Manila, at ngayon ay nagtuturo siya ng Urban Gardening in a Plastic Bottle at Self Watering Plant.

Iniimbitahan ni Mer ang mga magsasaka, mga plantito at plantita na manood at subaybayan ang Masaganang Buhay tuwing Linggo ng umaga.

MANILA POLICE DISTRICT OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with