^

PSN Opinyon

Sa wakas, body cams

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ngayong Oktubre, ipatutupad na ni bagong PNP Chief Gen. Camilo Cascolan ang paggamit ng body cams sa mga operasyon ng PNP, partikular sa mga operasyon kontra ilegal na droga. Mga 2,600 body cams ang ipaga­gamit sa mga pulis. Isasailalim muna sa “functional testing” ngayong Oktubre 12 ang mga aparato bago opisyal na ipagamit sa mga pulis.

Sa totoo lang, matagal na dapat ipinatupad ito. Lumakas ang panawagan na gumamit ng body cams ang mga pulis nang magsimula ang kontrobersyal na Oplan Tokhang o ang madugong kampanya ng PNP sa ilalim ni President Duterte dahil sa rami ng mga namamatay sapagkat nanlaban umano. At nang maging malinaw na iba ang bersyon ng mga pulis sa pagpatay kay Kian Delos Santos noong 2017 sa nakuha sa CCTV, lumakas ang panawagan para sa body cams.

Mabuti naman at gagamit na ng body cams ang mga pulis. Pero hindi pa rin maalis sa aking isip na baka ilihis naman ang anggulo ng mga camera para wala rin makuha. Ilang beses nililihis ng mga pulis ang mga CCTV kapag nagsasagawa ng operasyon dahil pinuprotektahan daw ang pagkakakilanlan ng mga pulis, paliwanag na hindi naman matanggap.

Kaya nga may CCTV ay para makunan ang anumang nagaganap sa harap nito. Madalas sabihin ng adminis­trasyong ito na kung walang tinatagong kriminal na akti­bidad, wala dapat katakutan ang batas. Paano pala kung ang mga nagpapatupad ng batas ang may itatago? Masa­sabi rin ito sa kilos ng Ombudsman na ipatigil ang mga life­style checks at hindi na kailangang isapubliko ang mga SALN ng mga empleyado ng gobyerno. Anong tinatago nila?

Sa US, may mga pulis na nasisibak o nasususpindi kapag nakita na ang buong pangyayari na nakuha sa mga body cams nila. Hindi lang body cams kundi mga dsah cams sa mga sasakyan nila rin. Nagkalat din ang CCTV doon. Kailangan ng proteksyon ng mamamayan. At kung mabibigay iyan ng mga body cams, dapat lang. Walang argumento kung mga kriminal ang makukunang nahuhuli. Proteksiyon pa nga para sa mga pulis ang mga body cams para ipakita na nasa lugar ang mga kilos nila. Sana ay maging matagumpay ang paggamit ng mga body cams. Panahon na.

vuukle comment

COVID-19

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with