Chinese binobobo ng Beijing tungkol sa karagatan, atbp.
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2020 - 12:00am

“FAKE news ng milenya.” ‘Yan ang turing ni retired justice­ Antonio Carpio sa umano’y “historic rights” ng Beijing para sa South China Sea. Batay sa imbentong sinaunang “nine-dash line” na mapa, itinalaga ng Beijing ang borders niya hanggang gilid ng ibang bansa, daan-daang milya mula pampang ng China. Pero walang longitude at latitude coordinates ang pekeng “nine-dash” boundaries. Kinopya lang ng Kuomintang ang mga mapa ng British Admiralty sa SCS.

Matapos agawin ng mga Komunista ang poder nu’ng 1949 lalong inuto ang mga Chinese. Itinuro sa bawat mama­mayan at heneral na internal lake nila ang SCS pero ina­agaw ng mga “bully” na Vietnam, Malaysia, Brunei, Indonesia, at Pilipinas. Itinuturo rin ang mali na ang Tibet kingdom, Inner Mongolia, at Xinjiang ay pag-aari ng China at hindi malalayang lahi noon. Bakit nila ginagawa ‘yon?

Leninista ang mga commissars sa Beijing, nagtataguyod ng paghari ng Partido Komunista. Ugali nila ang kutsabahan. Itinatago nila ang 45 milyong namatay sa gutom sa Great Socialist Leap Forward ni Mao Zedong nu’ng 1958. Hindi inuulat ang 15 milyong pinatay sa pahirap nu’ng Cultural Revolution ni Mao, 1966-1976. Tago ang libu-libong minasaker ng People’s Liberation Army sa Tiananmen Square nu’ng 1989, at tatlong milyong nawalan ng lupa’t bahay sa pagtayo ng Three Gorges Dam nu’ng 1994. Labis na umunlad ang mga Chinese dahil sa galing at sipag sa negosyo. Hindi mapigilan ng Partido Komu­nista ang kinasusuklamang kapitalismo. Sumakay na lang ang Partido. Pero sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga Chinese­, lumalaganap ang paghangad nila ng demokrasya. Nawawalan ng saysay ang paghaharing Komunista.

Ang pinaka-mainam na paraan para manatili sa poder ay mag-imbento ng isyu. Ang isyung ito ay kesyo inaapi ng mga kapitbansa at Kanluran ang China, kaya kailangan umano ang Partido Komunista para pamunuan ang pagkontra. Nagkukunwaring bayani ang mga buhong.

ANTONIO CARPIO FAKE NEWS SOUTH CHINA SEA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with