^

PSN Opinyon

Kapangyarihan nga naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

“STAY out tayo diyan. No comment tayo diyan. That’s purely an internal affair of the House of Representatives.” Ito umano ang pahayag ni President Duterte sa nagaganap­ na alitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at ang dapat niyang kapalit ngayong Oktubre na si Lord Allan Velasco batay sa kasunduan sa harap ni Duterte noong isang taon. Nagkaroon kasi ng panukala mula raw sa mga mambabatas na huwag nang palitan si Cayetano bilang Speaker at tapusin na lang ang terminong tatlong taon.

Pero pumalag si Velasco at sinabing dapat igalang ang naging kasunduan. Minabuti ng dalawa na magtungo sa Pa­lasyo at muling hingin ang basbas ni Duterte tulad nang naganap noong isang taon. Sa nasabing miting, nagkasa­gutan umano ang dalawa hinggil sa pamumuno. Kung batay sa mga balita, nakiusap daw si Duterte kay Velasco na sa Disyembre na lang magpalitan dahil tinatalakay pa raw ang budget para sa susunod na taon. Hindi umano pumayag si Velasco kaya sa Oktubre 14 umano magpapalitan ng puwesto. Pero ayon kay Cayetano, “fake news” ito. Medyo may drama pa sa mababang kapulungan nang sabihin ni Cayetano na magbibitiw pero bumoto ang mga mambabatas para tanggihan ito.

Sa tingin ko, ipinakita lang ni Cayetano kung gaano karami ang mga mambatas na kaalyado niya. Kaya hindi pa alam ang magaganap sa Oktubre 14 kung magpapalitan nga. Baka kumilos ang mga kaalyado ni Cayetano para pigilin ito. Nagsasalita na nga si Cayetano na hindi mana­nalo si Velasco sa halalan para sa Speaker of the House. Kung bababa raw siyang Speaker, hindi raw magtatagal si Velasco at makukudeta. Wow. Hindi ko alam kung gaano karami ang kaalyado ni Velasco ngayon na baka nagbago na mula nang magkasunduan noong isang taon. Ang kapangyarihan nga naman. Napakahirap bitawan.  

Pero sino pa ba ang maniniwala na walang pakialam ang Palasyo sa Kamara kung kay Duterte nga humihingi ng basbas para sa mga kilos nila? Puwede namang sila-sila ang mag-usap. Si Duterte ang pumagitna noong isang taon at doon napag-usapan ang term-sharing na 15-21 na buwan. Ngayong nagbago ang ihip ng hangin sa Kamara, kay Duterte muli sila nagtungo. Labas tayo diyan? Walang komento diyan?

vuukle comment

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with