^

Makati, ready na!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2020 - 12:00am

Handang-handa na ang Lungsod ng Makati sa pagbu­bukas ng klase ngayong araw.

Sa nakaraang ilang linggo, naging abala kami sa pama­­mahagi sa mga magulang ng learner’s package para sa halos 85,000 mag-aaral na nakaenrol sa aming public­ schools. Bukod sa printed modules at face masks, nagla­laman ito ng isang On The Go (OTG) flash drive.

Puwedeng gamitin ang OTG flash drive kahit walang internet connection. I-plug lamang ito sa cell phone, laptop, desktop computer, ipad, tablet o smart television upang mabuksan ang nilalamang digitized self-directed modules at video broadcast editions.

Kumpiyansa akong gaganahang mag-aral ang kaba­taang Makatizen sa pamamagitan ng blended learning. Sa pagtutulungan ng aking pamunuan at ng DepEd Ma­kati, mayroong sapat na kagamitan ang mga mag-aaral upang sila ay mabilis na matuto ng kanilang mga leksyon kahit na nasa bahay lamang sila.

Nakatakda ring ipamigay ang libreng laptops sa mahigit 2,500 na guro, pati na ang libreng internet load bawat araw na may pasok para sa mga estudyante at mga guro sa public schools ng Makati.

Nakahanda na rin ang 27 mobile learning hubs na mga jeepney na mag-iikot sa mga barangay upang may ma­ga­mit na laptop at internet ang mga estudyante at kanilang mga magulang na walang gadget. Bukod sa libro at iba pang learning tools, sakay nito ang mga guro at teaching­ assistant na gagabay sa kanila at tutulungan silang makasabay sa bagong sistema ng edukasyon.

Patuloy naman kaming nakikipag-ugnayan sa telecom companies para sa mas malakas na internet signal, upang maging mas epektibo ang Public Wifi System ng lungsod na pinapatakbo ng fiber optic cable na sumasakop sa 27 barangays.

Mahalagang magpatuloy ang edukasyon ng mga bata sa kabila ng pandemya. Kaya naman ginagawa namin ang lahat upang sila ay matuto sa pinakaligtas na paraan, at manatiling malusog pati na ang kanilang mga guro dito sa Makati.

MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with