Nasaan ang ‘palabra de honor’?
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2020 - 12:00am

WALA na ba ang term sharing agreement sa pagka-Speaker­ of the House nina Alan Peter Cayetano at Lord Allan Ve­lasco? Ito ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Bago pa man magsimula ang Congress ay naging magulo na ito kung kaya nanghimasok na si Pres. Rodrigo Duterte upang maging matiwasay na ang Kongreso at mag­karoon ng Spaker of the House.

Sa pamamagitan ng term sharing agreement pamumunuan ni Cayetano ang Kongreso sa loob ng 15 buwan at ang nalalabing 17 months ay kay Velasco.

Naging suwabe naman ang takbo ng Kongreso at na­ging kapaki-pakinabang ang mga mambabatas lalo na sa paglaganap ng COVID-19 dahil naging katuwang sila sa pagbibigay ng pondo para sa quarantine facilities ng gobyerno.

Subalit habang papalapit na ang pagtatapos ng termino ni Cayetano sa pagka-House Speaker mukhang umiba narin ang ihip ng hangin, dahil sa halip na bumaba ito sa puwesto nang matiwasay na naaayon sa pinagkasunduan aba’y, nagpahayag ito na magre-resign.

Marami tuloy ang tumutol sa mga kongresista dahil unang-unang dahilan ay ang pagpasa ng 2021 budget na nataong niluluto pa lang sa Kamara. Hehehe!  Kaya balik na naman  kay President Duterte ang problema at naghihintay ng ben­disyon kung sino ba talaga ang mauupo sa pagtatapos ng termino ni Cayetano.

Nalagay sa alanganin si Digong mga suki, kasi nga parehong malalapit sa kanyang puso ang dalawang nag-aagawan sa puwesto. Si Cayetano kasi mga suki ay naging Vice President tandem ni Duterte na bata naman ni Senator Bong Go na bagyo kay Digong, habang si Velasco ay matalik na kaibigan naman ni Davao Mayor Sarah Duterte.

Pareho silang pasok sa partido ni Digong kung kaya pareho silang inaasahan na makakatulong sa adminis­tras­yon. Ngunit ngayon mukhang wala nang balak bumaba si Cayetano para mabigyan ng daan ang pag-upo ni Velasco sa puwestong kanyang bibitawan na Speaker of the House.

Nagbanta pa si Cayetano na makukudeta lamang si Velasco kapag ipinilit nitong umupo sa pagka-Speaker of the House. Kaya ang katanungan ngayon ng mga kumakalam ang sikmura dahil sa pagku-quarantine ng may anim na buwan dulot ng COVID-19 ay ‘‘nasaan ang palabra de honor ni Cayetano?’’

Bakit hindi inapura ang pagpasa ng budget ng 2021 at itinapat pa sa panahon na magtatapos na siya sa pagka-Speaker of the House? Natural na marami ang magpapahayag ng pagtutol sa resignation ni Cayetano dahil hindi pa nai-papasa ang budget sa Kongreso para sa 2021.Huhuhu!

At ang napansin nitong aking mga kausap, bakit palaging nasa tabi ni Digong si Cayetano at ang pinaka-huling pagtitipon nila ay ang pagbisita ni Bro Eddie Villanueva.

Nauwi tuloy sa prayer meeting ang usapin at ang naipit dito ay ang paghahayag ni Presidential spokesman Harry Roque na “walang kinalaman si Duterte sa kung sino ang mauupo’’ at tapos na ang usapin sa pagka-Speaker of the House.

Si Roque ay tagapagsalita lamang ng palasyo kung kaya kung may naihayag man siya sa publiko, ito ay ayon sa kanyang narinig sa Presidente. Gets n’yo mga suki?

Subalit kung susundin ang palabra de honor, dapat lamang na tuparin ang term sharing agreement na una nang pinagkasunduan.

Kaya mga suki, kayo na ang humusga kung sino ba talaga ang may karapatang umupong Speaker of the House. Kayo na rin ang humusga sa 2022 election!

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with