Partida
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2020 - 12:00am

Noong Lunes, tatlo lang ang naitalang COVID-19 infection sa Cebu City. Ito lang katapusan ng Hunyo ay tinawag ito ng mismong pamahalaan na new epicenter. Ang ganito kababang bilang ay tanda ng good management na ipinatupad ng pamahalaang lokal at ng IATF.

Pababa na rin ang bilang ng biktima sa Metro Manila subalit hindi pa nito maabot ang tagumpay ng Cebu City. Nasa 800-1,000 pa rin ang arawang talaan na pumapalo sa 35-40% ng pangkalahatang istatistika.

Hindi naman patas na ihambing ang Cebu City sa Metro Manila. Labing anim na lungsod at isang bayan ang kumukumpuni dito sa huli.

Ito rin ang dahilan kung bakit naiiba ang kalagayan ng Pilipinas sa record ng ating mga karatig bansa. Sa pinakahuling report ng Lancet Commission on COVID-19 sa U.N. General Assembly, pinuna ang magandang performance ng ASEAN. Ayon sa prestihiyosong medical journal na Lancet, naging kapuri-puri ang Taiwan, Thailand, Malaysia, Myanmar, Vietnam, Cambodia, Laos sa pag-suppress sa pandemya. Dahil sa buwan ng Agosto, mababa sa lima ang kanilang impeksyon kada 1 million katao, itinuring itong tagumpay.

Hindi tayo pinapurihan dahil nasa 37.5 infections tayo kada milyon.  Ang hindi nilinaw ng kanilang report ay may kakaibang kondisyon ang Pilipinas. Narito kasi sa atin ang pinakamasikip na lungsod sa buong mundo. Ang Maynila ay taunan nang itinuturing na world’s most densely populated city. Ibig sabihin ay sa bilang ng tao kada square kilometer, wala nang mas hihigit pa sa Maynila. At kapag isama mo ang kalahatang Maynila o Metro Manila, doble pa nito ang kasikipan ng mga metropolitan area ng mga karatig bansa. Mas madali talagang kumalat ang sakit dito sa atin.

Kung kaya mas masalimuot ang kinakaharap na-ting pagsubok sa pakikipaglaban sa pandemya. At nagiging pabigat ito sa ating overall record. Kung naging matagumpay ang Cebu City, sana ay salaminin ng Metro Manila ang kanilang paghihigpit. Kung kinaya nila sa Cebu City, kayang-kaya rin dapat sa lahat ng lungsod ng Metro Manila.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with