Binago ng pandemya ang buhay natin
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2020 - 12:00am

Anim na buwan na tayo sa state of pandemic at  marami nang nagbago sa buhay natin. Lahat ng industriya at lahat ng uri ng tao sa lipunan ay apektado.

Nitong weekend, isa sa nakatawag ng aking pansin ay ang lumabas na pahayag ni Vice Ganda na umano’y takot na takot siya.

Naglakas loob siyang ipahayag ang kanyang takot at pangamba.

Aniya, nakaramdam siya ng takot matapos magsara  ang kanilang network, takot na hindi na nagtatrabaho,  takot na mawalan ng platform at hindi na maging visible sa kanyang mga fans.

Takot na baka mahawa ng covid-19 at takot sa  isa-isang pagkawala ng mga taong malapit sa kanya.

May mga nagsasabing, Vice Ganda is trying to stay relevant. Pinagsisikapan na siya’y may saysay pa rin sa industriyang kanyang kinabibilangan. 

Ewan ko kung kumukuha lang siya ng simpatiya, awa, pang-unawa para pag-usapan lang ulit at ‘wag siyang makalimutan.

Wala akong pakialam dito at hindi ko trabaho ang magbigay ng konklusyon.

Ang pinupunto ko, ito na ‘yung mga takot at pangam­ba ngayong panahon ng pandemya kung saan nasapol din ang mga hari’t reyna ng showbiz.

Unti-unti nang tumataas ang level ng takot, pangamba at insecurity.

Sa kanilang mundo, nasanay sila sa buhay na laging hinahangaan, pinupuri, pinag-uusapan, at pinagkakaguluhan kung saan man sila makita.

Ganito ang kanilang lifestyle, ika nga, the glory days before the pandemic.

Ngayon, eto na ‘yung epekto na unti-unti nang pumapasok sa kanila.  Nothing lasts forever, there’s no such thing as forever. Everything is temporary.

It only took six months to change everything.

Sa anim na buwan lang, binago ng pandemya ang buhay natin.  

PANDEMIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with