Kung di sira ‘wag nang kumpunihin
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2020 - 12:00am

May kasabihan ang mga Kano na “if it ain’t broke, don’t fix it.” Korek naman iyan. Para kay Presidente Duterte, kung hindi sira ang isang bagay ay huwag nang tangkaing kumpunihin baka lalong magkawindang-windang. Totoong May kasunduang maghahati sa termino sina Speaker Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco.

Ngunit sa gitna ng mabigat na krisis, dapat marahil magkasundo muli ang dalawa na isaisantabi muna ito para sa higit na ikabubuti ng ating bansa.

Sa pananaw ng Pangulo, ayos na ayos ang pamamalakad ng Kongreso sa panahon ng pandemya at mabilis naisasabatas ang mga kailangang lehislasyon para tugunan ang krisis.

Sa labi mismo ni  Presidential spokesperson Harry Roque nakumpirma na kuntento si Pangulong Duterte sa performance ni Speaker Alan Cayetano bilang pinuno ng Mababang Kapulungan. Di nga naman napapanahon ang pagpapalit ng liderato sa Kongreso lalo na kung mapupunta lamang ito sa walang sapat na karanasan at track record na maipiprisinta.

Actually, sinabi pa ni Roque sa kanyang interview sa       online outlet na Mindavote na “Ang katotohanan po, and I speak for the President, wala pong frustrations si Presidente kay Speaker Cayetano. In fact, sinabi rin po niya na ‘Tala-gang close ako kay Alan”. Ani Roque, masaya ang Pangulo dahil sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano ay mabilis na naipasa ang pambansang budget para sa taong 2020.

Mabilis din aniya ang pag-aksyon ni Cayetano sa pagpasa sa mga batas na kinakailangan para labanan ang COVID-19. Maging ang mga revenue-generating at tax reform bills na prayoridad ng Pangulo ay mabilis na naaksyunan ng Mababang Kapulungan, dagdag pa ni Roque.

“Kung ikaw ay Presidente at natikman mo na kung paano nangyari ‘yung isang taon na iba ang Speaker at hindi naipasa ang budget, at nagkaroon tayo ng reenacted budget na naging dahilan kung bakit humina ang paglaki ng ekonomiya, siyempre mabibigyan mo ng importansiya ‘yung nakaka-deliver sa pangangailangan ng administrasyon,” wika niya.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with