Mga pinagmulan ng away mag-asawa
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

SINAMAHAN ni mister sa high school reunion si misis. Sa katabing mesa nila may lalaking naglalasing. “Sino siya?” tanong ni mister.

“Dati ko siyang nobyo,” bulong ni misis. “Balita ko, mula nang i-break ko siya para pakasalan ka, hindi na siya tumigil nang kaiinom.”

“Gan’un?” nagulat si mister. “Ngayon lang ako naka­kita ng tao na ganyan katagal mag-celebrate!” ...At du’n nagsimula ang away.

* * *

Pagka-retiro pumunta ang lalaki sa SSS para mag-apply ng pensiyon. Hiningan siya ng clerk ng driving license bilang katunayan ng edad. Kinapa ni lalaki ang pantalon saka niya nabatid na naiwan pala niya sa bahay ang lisensiya. “Naku sorry, maam, kailangan ko umuwi para kunin ‘yon,” paliwanag ni mister. Pero sinabihan siya na buksan na lang ang shirt. Ginawa naman niya.

“Okey na,” anang clerk. “’Yang puting buhok mo sa dibdib ang katunayan na senior ka na nga. Sige, ipo-pro­cess na ang pensiyon mo.”

Pag-uwi ng lalaki excited niya ikinuwento sa misis ang nangyari.

“Sana nagbaba ka na rin ng salawal,” sagot ni misis. “Para binigyan ka rin sana ng disability benefit!” ...At du’n nagsimula ang away.

* * *

Nasa restoran ang mag-asawa. Puro karne ang inorder ni mister.

Nag-alala ang waiter: “Sir, ‘di po ba kayo nag-aalala sa madcow?”

“Hindi naman,” ani mister, sabay turo sa misis. «Kaya niya umorder nang sarili!» At du’n nagsimula ang away.

* * *

Isang Pasko niregaluhan ng lalaki ang biyenang babae ng plot sa sementeryo.

Sumunod na Pasko nagtanong ang biyenan kung ano’ng gift niya.

“Wala akong regalo sa iyo ngayon,” sagot ng lalaki. “Kasi hindi mo pa naman ginagamit ang gift ko sa iyo nu’ng nakaraang taon!” At du’n nagsimula ang away.

ASAWA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with