Walang utang na loob ang hipag (Huling bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) ang hatol ng RTC at dineklarang dapat na binilang ang isang taon mula Marso 22, 2006 kung kailan unang nag­padala ng sulat si Amanda sa mag-iina at hindi­ dapat na binilang mula Agosto 14, 2007 nang ipa­dala ang pangalawang sulat na nag-uulit lang sa orihinal na nakalagay sa unang sulat. Hindi raw siya binigyan ng panibagong isang taon para magsampa ng kaso.

Nagsampa ng petisyon sa Supreme Court (SC) si Amanda pero pareho pa rin ang naging hatol ng SC at CA. Ayon sa SC, puro paalala lang ang mga sumunod na sulat ni Amanda kay Marta at mga anak nito.

Hindi nito layon na bigyan ng panibagong palugit na isang taon si Amanda para magsampa ng kaso. Ang bilang ng palugit na isang taon ay laging mula sa kung kailan pinadala ang unang sulat pero hindi naman ibig sabihin na talo na agad si Amanda.

Dahil nga gumawa ng paunang imbestigasyon ang MeTC at dineklarang siya ang totoong may-ari ng lupa pati na hindi ito kinontra ng RTC ay puwede pa rin siyang magsampa ng panibagong kaso sa RTC para lang mabawi ang posesyon ng lupa pero ang konsiderasyon dito ay ang halaga ng lote at ang tagal ng inilakad ng kaso para mabawi ito (Rivera-Avante vs. Rivera and their heirs with the late Alejandro Rivera, G.R. 224­137, April 3, 2019).

COURT OF APPEALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with