^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Minahan ng dolomite imbestigahang mabuti

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Minahan ng dolomite imbestigahang mabuti

Ngayon lang nakita ang pinsala nang pagmimina ng dolomite sa Alcoy, Cebu. Kung kailan malaki na ang pinsala sa corals saka lang kumilos ang mga awtoridad. Ayon sa Cebu Provincial Environment and Natural Resources Office ang mga corals na nasa layong 500 meters sa dalampasigan ng Bgy. Pugalo. Napinsala ang corals dahil sa latak ng dolomite. Dinudurog ang dolomite para maging buhangin at saka ikakarga sa mga barges para dalhin o ideliber sa mga nag-order nito. Isa ang dalampasigan ng Manila Bay sa mga nilagyan ng dolomite para sa beautification project ng DENR. May pondong P389 milyon ang Manila Bay project. Noong nakaraang linggo binuksan sa publiko ang Manila Bay white sand beach at dinumog ng mga tao. Nasira ang health protocol kaya isinara muli ito.

Ipinag-utos ni DENR Sec. Roy Cimatu na suspendihin ang operasyon ng dalawang mining companies na nagmimina ng dolomite para maimbestigahan kung may paglabag ang mga ito. Ang dalawang mining com­panies ay ang Dolomite Mining Corp. (DMC) at Philippine Mining Service Corp. (PMSC). Inatasan ni Cimatu ang Environmental Management Bureau (EMB) na mag­sa­gawa ng test sa kalidad ng hangin at tubig sa lugar­ kung saan nasira ang mga coral. Mananatili ang suspension ng dalawang mining companies hangga’t hindi natatapos ang masusing imbestigasyon ng EMB. Ma­nanagot umano ang dalawang kompanya kapag may paglabag na nagawa. Ayon sa report, ang DMC ay may 25-year mineral production sharing agreement (MPSA) kung saan may kabuuang 524 hectares ang sakop ng pagmimina sa Alcoy samantalang ang PMSC ay may processing permit hanggang 2023. Sabi ng dalawang mining companies, makikipag-cooperate sila sa imbes­tigasyon ng DENR.

Nakapagtataka naman kung bakit ngayon lang pumi­yok ang mga opisyales ng Cebu provincial government kabilang si Gov. Gwendolyn Garcia. Kung kailan mayroon nang nasirang corals saka sila biglang nag-ingay gayung matagal na palang nagmimina. Kung hindi pa pumutok ang balita na ang dinurog na tone-toneladang dolomite ay ibiniyahe sa Maynila para itambak sa dalam­pasigan ng Manila Bay.

Kung kailan mayroon nang napinsala saka lamang nagreklamo. Nagpapatunay lamang na hindi nagsasa­gawa ng pag-iinspeksiyon ang mga opisyales ng Cebu sa kanilang nasasakupan. Marami nang nasira pero ngayon lang sila naging maingay sa isyu. Dapat tutukan ng DENR kung may nagawang pagkakamali ang dalawang mining companies. Dapat panagutin ang mga ito.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with