Panalo ang MASB Merchant Program para sa lahat ng #ProudMakatizens
#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

Parami na nang parami ang mga nagpaparehistro para maging accredited MASB Merchant. Nitong nakaraang linggo lang ay umabot na sa 1,200 application forms ang naisumite sa www.proudmakatizen.com.

Natutuwa kami at nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga maliliit at bagong negosyante sa Makati sa programang ito. Patuloy ko ring hinihikayat ang mga supplier at vendors sa lungsod na hindi pa nakakapagpare­histro­  na huwag palampasin ang pagkakataong ito.

Ano nga ba ang mga benepisyong matatamasa ng isang accredited MASB Merchant?

Bukod sa pagiging isang lehitimong supplier at vendor sa Lungsod ng Makati, marami pang advantages ang pagiging MASB Merchant.

Unang-una rito ay kasama ka na sa mga puwedeng mag-apply para sa financial grant para sa mga negosyo sa Makati sa ilalim ng MASB Plan. Mula P10,000 hanggang P100,000 ang grant na maaari mong matanggap. Ito ay tulong para muling pasiglahin ang kalakalan at komersyo sa Makati at tulungang makilala at lumago ang mga bagong negosyo.

Automatic ding kasali ang MASB merchants sa lahat ng programa at benepisyong ibibigay ng lungsod sa business sector sa mga darating pang buwan at taon.

Bukod dito, mabubuksan ang mga oportunidad para makipag-partner, exchange, o transact sa iba pang MASB Merchants. Magiging isa tayong komunidad at pamilya na magtutulungan para sa ikauunlad ng lahat.

Marami ring puwedeng matutunan ang isang bagong­ negosyante sa ibang matagal na sa industriya. Kapag­ suportado ka ng isang komunidad, mas malaki ang tsan­sang magtagumpay sa napili mong negosyo.

Ilan lamang ito sa mga bentahe ng pagiging MASB Mer­chant­. ‘Ika nga sa Ingles, You have nothing to lose and every­thing to gain.

Ginawa naming mabilis at madali ang registration upang mas maraming mahikayat na mag-register. Naniniwala ako na win-win ang programang ito para sa mga negosyante, supplier, at vendor sa Makati. Mas maraming negosyo, mas marami ring #ProudMakatizens ang magkakaroon ng regular na trabaho at kita.

Sama-sama nating pasiglahin at palakasin ang ekonomiya ng ating mahal na lungsod!

MASB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with