Ibang bansa pinakikinabangan ang tagumpay natin sa China
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

Naulila sa pagsilang ang tagumpay ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration kontra pag-angkin ng Beijing sa buong South China Sea. Pero inampon ito ng mga kapit-bansa natin, ani Dr. Renato de Castro.

Enero 2013 nang ihabla ng Pilipinas ang Beijing sa pag-agaw ng walong bahura sa loob ng ating 200-mile exclusive economic zone. Hulyo 12, 2016, nang ipasya ng PCA na ilegal ang “nine-dash line” claim ng China sa SCS dahil labag sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea.

Hunyo 2016 sinabi ng China sa Pilipinas na kalimutan­ na lang ang gusot. Nu’ng Hulyo isinasantabi nga ng Duterte admin ang pagwagi natin. Isyu lang daw ito ng dalawang bansa at walang pakialam ang iba.

Iba ang tindig ng mga kapit-bansa, ani De Castro, eks­perto sa isyu:

l Marso 20, 2017, sa debate sa Malaysian parliament sa pagpasok ng Chinese Navy sa dagat nila, nabatid na linalabag ng Beijing ang pasya ng PCA -- pasya anila na pangbuong mundo at ‘di lang para sa Pilipinas.

l Hulyo 14, 2017, pinangalanan ng Indonesia ang dagat nila sa may Natuna Islands na Northern Natuna Sea. Batay daw ito sa UNCLOS at lawak ng pasya ng PCA, kaya ilegal ang pangingisda ng China roon.

l Disyembre 2019 isinumite ng Malaysia sa UN ang dagdag nilang 150-mile extended continental shelf. Muling sinipi ang pasya ng PCA na sabi-sabi lang at abusado ang “nine-dash claim” ng China sa buong SCS.

l May 26, 2020, sinabi ng Indonesia sa UN Secretary General na hindi nila kinikilala ang imbentong kasaysayan na noon pa kuno pag-aari ng China ang SCS. Pinagbatayan ng Indonesia ang UNCLOS at PCA.

l Binabalak ng Vietnam na maghabla rin sa PCA kontra pag-angkin ng China sa langis at isda nila.

Ani Prof. De Castro, apat na taon na ay hindi pa ginigiit ang PCA ng Pilipinas laban sa pagnanakaw ng China­ ng isda at bahura natin.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

CHINA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with