Una sa UNGA
DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

Nagsalita Si President Duterte sa unang pagkakataon sa harap ng mga participants sa isang virtual high-level meeting ng 75th United  Nations  General  Assembly (UNGA) noong Martes ng gabi.

Ang nilalaman ng talumpati ni Pangulong Duterte ay umani ng papuri mula sa iba’t ibang sektor, kasi nga  malawak ang sinabi  niyang paksa, lalo na nang banggitin niyang dapat sundin ang 2016 The Hague Arbitral Award sa South China Sea na ang disputed area ay karapat-dapat ngang sa Pilipinas.

At kung tutuusin malaking bagay din ‘yung nakahilera ang Pangulo sa world leaders sa unang araw ng high-level discussions ng UNGA. Kasabay lang naman niya sina US President Donald Trump, Chinese President XI Jinping, Russian President Vladimir Putin at French President Emmanuel Macron sa nasabing session. Hindi madali ang mabigyan ng importansya ng UN at nagawa nga iyon ni Pangulong Duterte.

Ngunit ang hindi alam nang marami ay ang pagha-handang ginawa upang magkaroon nang maituturing na “successful debut’’ ang Pangulo sa UN stage.

Totoong may speechwriters ang Pangulo para sa nasabing mahalagang talumpati na kinabibilangan ng mga nasa Department of Foreign Affairs at sa Philippine Mission to the UN based sa New York. Ilang buwan ding pinaghandaan ang speech na batay na rin sa input ng mga kinauukulan.

At ang Pangulo naman ang nagdedesisyon kung ano ang isasali niya sa kanyang final speech. Mabusisi ang Pangulo sa kanyang mga speeches lalo na sa international arena gaya ng ASEAN at World Economic Forum meetings sa ibang bansa.

Hindi tipo ng Pangulo na magbasa lang ng kung ano ang ibibigay sa kanya at babasahin na niya. Dumaan pa rin siya sa rehearsals na dun niya nalaman kung ano ang kulang sa kanyang talumpati.

Ni-require naman ng United Nations na dapat apat na araw bago ang talumpati ay nai-submit na ang video address sa UNGA. Kaya nga nakadagdag sa puyat ng mga kinauukulan ang pag-aasam hanggang sa naipalabas na ang UNGA address ng Pangulo.

Kahit nga sa gabi ng unang araw ng UNGA ay nagkaroon ng aberya ang Brazil na siya namang kinatatakot na baka hindi matuloy ang Pangulong Duterte sa kanyang slot.

Ngunit noong natapos na ang lahat saka lang nakahinga nang malalim ang mga nasa kabila ng debut ng Pangulo sa UNGA.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with