EDITORYAL - âAnayâsa NBI
EDITORYAL - ‘Anay’sa NBI
(Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

PATI pala sa National Bureau of Investigation (NBI) ay may mga “anay”. Ang mga anay na ito ang nag­papasama sa imahe ng kagawaran. Kinulapulan nila ng putik ang NBI at nagiging daan para hindi na pagkatiwalaan ng mamamayan. Imagine, kung sino ang mga naatasang mag-imbestiga e sila pala ang mga corrupt at tumatabo ng pera sa kanilang mga binibiktima.

Noong Lunes, inaresto ng mga kapwa NBI agents ang pinuno ng Legal Assistance Section na si Atty. Joshua Paul Capiral at kapatid nito at kina­suhan ng graft and corruption. Nahuli sa entrapment operation si Capiral at kapatid habang inaabot ang P200,000 na hiningi sa isang Immigration official para hindi ito maisamang kasuhan.

Labingsiyam na Immigration personnel ang kina­suhan ng NBI dahil sa ‘‘pastillas’’ modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ nang ibulgar ng whistleblower na si Allison Chiong na kaya madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philip­pine Offshore and Gaming Operators (POGOs) ay dahil sa mga corrupt na tauhan at opisyal ng Immigration. Bawat Chinese umano ay hinihingan ng P20,000 para makapasok sa bansa. Nangyayari umano ang “pastillas”’ modus sa NAIA Terminal 1 at 3 mula pa noong 2016. Tinawag na “pastillas” ang modus ng mga corrupt na BI officials dahil ang perang ipinangsusuhol sa kanila ay binibilot na parang “pastillas.

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ang pagkakaaresto sa abogadong si Capiral ay magsil­bing babala sa iba pang corrupt officials. Hindi ma­kaliligtas sa batas ang mga gumagawa ng masama. Sabi naman ni Sen. Franklin Drilon na nakakahiya ang ginawa ni Capiral. Kung sino pa umano ang ina­tasang mag-imbestiga sa corruption ay ito pa ngayon ang sangkot sa katiwalian. Ayon kay Drilon, dapat­ i-disbar si Capiral. Ang mga katulad umano ni Capiral ang dahilan kaya nawawala ang tiwala ng mama­mayan sa pamahalaan. Kahiya-hiya umano si Capiral sa legal profession, sabi ng senador.

May mga ‘‘anay’’ sa NBI at mabuti at nadiskubre agad ito. Kung hindi nabuking ang ginagawa ni Capiral, tiyak na magtutuluy-tuloy pa at masisira ang NBI. Patuloy niyang dudungisan ang kagawaran. Hanapin din kung mayroon pa silang ibang kasa­bwat para maparusahan nang mabigat!

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with