Nakakasorpresa ang UN message ni Digong
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

LAGING binabatikos si Presidente Duterte sa kaniyang hayagang pagkampi sa China. Sa maraming pagkaka­taon, binigyang diin ng Pangulo na walang magagawa ang Pilipinas sa pananakop ng China sa bahagi ng West Philippines Sea (WPS) sa kabila ng arbitral ruling ng United Nations na pinagtibay sa panahon ni Presidente Aquino noong pang 2016.

Palagi nga tayong “tameme” tuwing nakararanas ng pan­duduro sa kamay ng mga Tsino ang mga kababayan nating nangingisda sa pinagtatalunang karagatan. Tameme pa rin tayo kahit nagtayo ng mga artipisyal na isla ang China sa naturang karagatan.

Pinawawalang saysay ng naturang United Nations Arbitral Tribunal ruling ang pag-angkin ng China sa mala­king bahagi ng WPS na pumapabor sa Pilipinas dahil kini­kilala na ito’y bahagi ng Exclusive Economic Zone ng ating bansa.

Ngunit sa talumpati ng Pangulo (via Zoom) sa ika-75ng UN General Assembly, binigyang diin ng Pangulo na ang nabanggit na ruling ng UN Arbitral Tribunal ay bahagi na ng pandaigdig na batas na hindi maaaring labagin. Kaya ang tanong: nagbubuhat kaya sa puso ng Pangulo ang pahayag niya o isa lamang diplomatikong pahayag?

Sabi ng Malacañang noon, ang issue sa WPS ay hindi dapat talakayin sa mga international forum sa diplomatikong kadahilanan kahit pa ito’y isang problemang mahirap resol­bahin. Pero sadya yatang mahirap iwasan ang paksa lalu pa’t sa harap ng UN General Assembly.

Dagdag ng Pangulo sa wikang Ingles: “We welcome increasing number of states that have come in support of the award and what it stands for — the triumph of reason over rashness, of law over disorder, of amity over ambition. This as it should is the majesty of the law.”

Tinutukoy ng Pangulo sa pahayag na ito ang paborableng arbitral ruling na napanalunan ng Pilipinas sa The Hague in 2016 base sa United Nations Convention on the Law of the Sea na nagbibigay diin na ang pag-angkin ng China sa nine-dash line ng bahagi ng karagatan ay walang legal na basehan.

WEST PHILIPPINES SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with