^

PSN Opinyon

Tensiyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Kailan lang ay nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng Taiwan­ at China. Halos 40 eroplanong pandigma ng China ang tumawid sa tinatawag na “midline” ng Taiwan Strait, ang karagatan sa gitna ng dalawang bansa. Dahil dito, kumilos ang Taiwan at nagpadala rin ng mga eroplanong pandigma sa sinasabing lugar para bantayan ang mga eroplano ng China. Naging aktibo rin ang mga depensa ng Taiwan. Alam natin na hindi magkasundo ang dalawang bansa magmula nang humiwalay ang Taiwan sa China noong 1949. Nagkaroon ng digmaang sibil dahil ang nais ng Taiwan ay demokrasya kontra sa komunistang ideo­lohiya ng China. Hindi tinatanggap ng China ang paghiwalay nito at tinuturing na rebeldeng estado.

Ang kilos ng China ay sumabay sa opisyal na pagdalo ni Keith Krach, ang US undersecretary of state for economic, energy and environmental affairs para sa burol at libing ni dating pangulong Lee Teng-hui. Hindi ikinatutuwa ang tila magandang relasyon ng America at Taiwan­, at ang pagdalo ni Krach ay tila pagkikilala ng America sa bansang Taiwan. May tinatawag na “One China Policy” kung saan ang China lang ang dapat kinikilala. Ito rin ang sinusundang patakaran ng Pilipinas. Maraming bansa ang hindi rin kumikilala sa Taiwan dahil mas lumalapit sa China. Ang administrasyon ni Xi Jinping ay nangakong babawiin ang Taiwan kahit sa pamamagitan ng dahas, kaya laging handa rin ang militar ng Taiwan.

Malapit nga ang America sa Taiwan. Karamihan ng armas at sandata ng Taiwan ay galing sa America. Mag­be­benta muli ng mga eroplanong pandigma at tangke sa Taiwan. Hindi rin tinatago ng America kung kanino sila kakampi kung sakaling bawiin nga ng China ang Taiwan sa pamamagitan ng dahas. Nasa South China Sea ang ilang barkong pandigma nila. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi rin basta-basta kumikilos ang China, pero itong mga nakaraang buwan ay ilang pananakot na ang ginawa.

May 154,000 OFWs sa Taiwan ayon sa bilang noong Abril 2019. Malamang nadagdagan na ang bilang na iyan. Maganda ang sahod nila doon, iba nga ay naging opisyal na mamamayan ng Taiwan. Kaya ang tensyong nagaganap ay binabantayan rin ng bansa para sa kapakanan ng ating mamamayan doon. Malalagay sa peligro ag ating mga mamamayan kung sakaling magkaroon na ng labanan ang dalawang bansa. Maganda rin naman ang relasyon natin sa Taiwan, pero sinusundan pa rin ang One China Policy, lalo na ng administrasyong ito. Ganun pa man, ang kapakanan ng ating mga mamamayan ang mauuna.

vuukle comment

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with