EDITORYAL - Nagkumpul-kumpol sa puting buhangin
EDITORYAL - Nagkumpul-kumpol sa puting buhangin
(Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2020 - 12:00am

Maraming tao ang nasiyahan sa puting buha­ngin na itinambak sa bahagi ng Manila Bay. Bi­nuksan ang white sand beach noong Sabado at Linggo. Marami ang napa-wow at napa-ah sa ganda na wala raw ipinagkaiba sa beach sa Boracay. Dinurog na dolomite na ga­ling pa sa Cebu ang puting buhangin. Ang proyekto ay bahagi ng beautification ng Manila Bay at pinondohan ng P389 milyon.

Marami ngang dumagsang tao noong Sabado at hindi na ito nakontrol ng mga awtoridad. Nagdikit-dikit na sila at wala nang pagitan. May mga grupo na nag-picture-picture o nag-selfie. Mayroon pang nag-bikini na umagaw ng pansin. Nawala na ang physical distancing at ganap na nasira ang health protocol na ipinatutupad.

Ganundin ang nangyari kinabukasan (Linggo). Dumagsa muli ang mga tao at nasira muli ang phy­sical distancing. Sa rami ng mga dumagsang tao, nakapila na ang iba sa Roxas Blvd. Lalo nang nasira ang ipina­tutupad na 1 metrong agwat ng mga tao para hindi mag­kahawahan ng virus.

Hindi pinalampas ni Philippine National Police’s (PNP) Joint Task Force COVID Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang nangyaring pagdagsa ng mga tao sa kontrobersiyal na beach na isang paglabag sa health protocol. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkumpul-kumpol ng mga tao.

Agad niyang ipinag-utos na alisin sa puwesto ang Ermita police station dahil hindi nito nagawang ipatupad ang physical distancing sa mga taong bumisita sa beach. Sabi ni Eleazar, hindi naipasu­nod ni Lt. Col. Ariel Caramoan ang strict security at health safety measures. Hindi umano nagkaroon ng plano at regular na monitoring si Caramoan sa sitwasyon. Naiwasan daw sana ang pagkumpul-kum­pol kung nagkaroon ng maayos na plano sa lugar. Ipinalit kay Caramoan si Lt. Col. Alex Daniel bilang officer-in-charge. Muli namang isinara ang white sand beach sa publiko.

Nararapat lang na managot ang police official na naka­kasakop sa lugar dahil hindi niya naipatupad ang health protocol. Hindi biro ang dumagsang tao sa kon­trobersiyal na beach at maaaring nagkahawahan doon sapagkat talaga namang dikit-dikit. Ha­bang ang marami ay nag-iingat at mahigpit na pinatutupad ang physical distancing, may mga opisyal naman na hindi ginagawa ang tungkulin.

Sana, hindi na maulit ang pangyayaring ito na ma­aaring magdagdag sa kaso ng COVID-19. Mas mabuti naman kung bubuksan ang white beach kapag wala nang problema sa pandemya. Ipagpatuloy na lang ang pagpapaganda at paglinis sa mga nakalutang na basura.

MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with