Power struggle sa Kamara
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2020 - 12:00am

Nagsalita na si President Duterte. Aniya hindi siya maki­kialam sa nangyayaring power struggle sa Kamara de Repre­­sentante nina Speaker Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Alan Velasco na may kasunduan sa term sharing.

Pero ang balita ko, nakararami ang bilang ng mga supporters si Cayetano kumpara sa mga nagtutulak kay Velasco. Sabi nga, kung kuwalipikasyon ang pag-uusapan,­ napakalayo ni Velasco sa isyu ng Speakership sa Kamara.

Ayon sa ilang mambabatas, ni walang pagpapakitang-gilas si Velasco na madalas pang wala sa pulong ng sa­rili niyang Committe on Energy. Sabi nga ng maraming kon­­gre­sista, hindi masyadong gumagalaw si Velasco sa Kamara. Kaya nabigo si Velasco na makuha ang suporta ng mga kapwa solon sa nagdaang 15 buwan. Sa lide­rato ni Cayetano, nakakuha ng pinakamataas na rating ang Kon­greso dahil sa rami ng naipasang batas na priority bills ng Pangulo.

Si Cayetano ay napakalawak ng kanyang karanasan. Nagsimula siya sa public service nang manilbihan sa LGU, naging kongresista, Senador, naging Cabinet Secretary, at ngayon Speaker of the House.

Ang tanong ng isang pro-Cayetano Solon, mula nang maging Pangulo si Digong, naipagtanggol na ba ni Velasco ang administrasyon? Dumepensa na ba siya kay Digong sa mga banat ng oposisyon laban sa gobyerno?

Sa rami nga naman ng mga puna ng kalaban ng admi­nis­trasyon, “no comment” lagi si Velasco at ‘di man lang tu­min­dig para sa gobyerno. Kaya kinukuwestyon ng ma­­­raming mambabatas kung tunay ba siyang kakampi ni Duterte.

Bukod dito, hawak ni Cayetano ang mayorya, kasama na ang Nacionalista Party, National Unity Party, ang partido­ ni Majority Leader Martin Romualdez, at iba pang miyembro ng coalition kasama na ang ibang miyembro ng party-list.  Kaya bakit dapat sumugal sa ibang speaker kung maayos ang takbo ng kamara sa pamumuno ni Cayetano?

ALAN PETER CAYETANO PRESIDENT DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with