Lockdown pinaaalis
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MAY mga itinakdang panuntunan ang World Health Organization (WHO) na isinusubo para sundin ng mga bansa bilang pangontra sa paglaganap ng COVID-19. Tayo ay masunurin sa mga patakarang iyan pero may ilang bansang nagpatupad ng sariling panintunan at nabawasan ang bilang ng mga dinarapuan ng sakit. Sa ating bansa, tumataas pa rin ang bilang ng mga dinarapuan ng sakit na ito.

Kilala ng marami ang bantog na manggagamot na si Dr. Jaime Galvez-Tan. Naging mahusay na Health Secretary siya nung Presidente pa si Fidel V. Ramos. Isa rin siyang tagapagsulong o advocate sa paggamit ng mga halaman-gamot o herbal medicine. 

Pinangungunahan niya ngayon ang isang grupo ng mga doktor na may 5,000 kasapi na nananawagan sa pamahalaan na tanggalin na ang mga ipinatutupad na lockdown. Sa halip, ipinapanukala ng grupo ni Galvez-Tan kay Presidente Duterte ang pagpapatupad ng pam­bansang protocol para sa prophylaxis at maagang paggamot sa sakit na COVID bilang alternatibo sa com­munity quarantine.

Maagang gamutan daw ang susi para masawata ang COVID. Ini-endorso ng grupo ang paggamit ng gamot na hydroxychloroquine (HCQ) na anila’y epek­tibo at ligtas kung gagamitin sa tamang paraan. Para sa WHO wala itong iniendorsong ano mang gamot at mukhang ang magandang panukala ng grupo ni Galvez-Tan ay pagsalungat sa protocol ng WHO.  

Handa ba ang gobyerno na magtakda ng sariling panuntunan sa halip na yumukod na lang sa bawat sabihin ng WHO?

COVID-19 WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with