^

PSN Opinyon

Sabong sa Balete, Batangas,‘untouchable’?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa bansa, malaki na ang nailugi ng gamefowl breeders kaya nana­wagan sila kay President Digong na buksan na muli ang palarong sabong. Sinabi ng International Federation of Game­fowl Breeders Association Inc. (FIGBA) na kung maari ay magpatuloy na ang larong sabong sa mga lugar kung saan idineklara ng IATF na general community qua­rantine (GCG).

Nangako ang FIGBA na isasakatuparan nila ang mga health protocols ng gobyerno para masigurong ligtas sila kapag may sabong. Umaabot sa 1,210 sabungan sa buong bansa ang nagsara matapos ideklara ang lock­down­ noong Marso matapos mapaulat na marami ang namatay na sabungero sa isang derby sa Davao. Bunga nito bumagsak ng 50 porsiyento ang P30-bilyong industriya ng patuka, habang ang veterinary products naman ay nalugi ng aabot sa P15 bilyon. Dipugaaaa! Kilos na President Digong Sir!

Maging sina Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Administration (DCA) ng PNP at hepe ng Task Force Covid Shield at GAB chairman Abraham Mitra ay nagsasabing sarado pa ang sabong. Subalit inireport ni kosang Elmer Constantino na halos araw-araw ay may pasabong sa Balete, Batangas sa farm ni cockfighting enthusiast na si Atong Ang.

Sa katunayan, nagkaroon ng 6-Stag Big Event sa lugar­ noong Sept. 12, 2020 at may isang sultada pa nga na ang taya sa Meron ay 2,188,159 samantalang ang sa Wala naman ay 1,502, 718. Ayon kay Eleazar, tata­wagan niya ang atensiyon ni Col. Rex Malimban, ang provincial director ng Batangas, dahil ang sabong ay wala pang go signal na magbukas kahit sumusunod pa sa health protocols ng gobyerno ang management at sabungero.

At ang tanong pa, bakit tahimik si Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao sa malakihang sabong sa Balete, Batangas na sakop niya? Kung sabagay, tama lang ang tinuran ni Danao na masyadong malaki ang Calabarzon at hindi niya alam ang lahat nang nangyayari rito. Dipugaaaa! 

Kung ang mga empleado naman ang tatanungin, kaya hindi sila magalaw-galaw ng PNP dahil bagyo sila kay PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan, na open-secret naman na ang hobby ay sabong. Sa katunayan, «rekta» raw sila, anang mga empleado, at sa katunayan may naka-iskedyul na para mag-courtesy call sa Camp Crame. Dipugaaaa!Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with