Napapanahon ba?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

Paano pala kung madalang ka bumiyahe palabas ng Metro Manila? Ito ang tanong nang marami sa panukala na pagsapit ng Nobyembre 2, ang sistemang RFID na lang ang tatanggapin bilang bayad sa paggamit sa NLEX, SCTEX, CAVITEX at CALAX na pinatatakbo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).

Nagsimula na nga ang cashless payment noong Agosto. Pero kailangang bumili ng RFID at lagyan ng laman na parang cell phone. Kapag napadaan ng mga tollgate, mababasa na lang ang RFID at babawasan ang halagang dapat singilin sa paggamit ng tollway, depende pa rin sa layo ng destinasyon. Ang nais ng Department of Transportation (DOTr) ay lahat ng tollways ay ganyan na ang uri ng bayaran.

Wala namang argumento na maganda ang sistemang iyan. Sa ibang bansa matagal na ang cashless pay­ments sa maraming tindahan. Pero napapanahon ba ngayong may pandemya na mas dapat matukoy? Ayon sa DOTr, mababawasan ang hawahan ng COVID-19 kung wala nang palitan ng pera sa tollway. Pero kung ipatutupad ang sistema, marami na naman ang mawawalan ng trabaho bilang tollway collector, hindi ba?

At sa aking kaalaman, hindi lahat ng tollway ay pina­tatakbo ng isang kompanya. Sa madaling salita, ang RFID na mabibili mo ay maaaring magamit sa ilang tollway tulad nga ng NLEX at SCTEX. Kung babaybay ka ng SLEX ay baka hindi na umubra ang RFID ng NLEX at SCTEX.

Kung parang mga ATM na sana iyan kung saan kahit anong banko puwede kang maglabas ng pera, maganda ang sistema. Pero kung ganyang iba-iba ang nagpapatakbo, ilang RFID ang dapat nakakabit sa sasakyan mo?

Baka kailangang bigyan pa ng sapat na panahon para isang RFID na lang ang kakailanganin ng sasakyan para sa lahat ng tollways. Bagay na dapat noon pa lang ay naisip na ng mga iba’t ibang kompanya. May panahon pa naman para ayusin lahat bago mag-Nobyembre.

Naiintindihan ko ang nais makamit sa mga sistemang ito. Kailangan lang tanggalin ang anumang gusot na lalabas, para wala ring kalituhan o kaguluhan sa mga tollways kapag pinatupad na nang husto.

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with