Salamat sa pagdamay
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

Ang relasyon ng anak sa isang ina ay nakukulayan ng mga karanasan at interaksyon ng kapamilya. Sa kani­lang pagpanaw, doon ka lang nakaka-atras kahit papa­ano at makita ang pagpapahalaga sa kanya ng mga taong kanyang nakasalamuha.

Ipinabatid sa amin ng kanyang mga kakilala, katra­baho, kaibigan at tagahanga kung gaano kalaki ang impact ng aking inang si Ma. Azucena “Manay Ichu” Vera Perez Maceda sa kanilang buhay. Marami sa kanilang mga tribute ay dito mismo nabasa sa Pilipino Star NGA­YON at sa Philippine STAR na napakalaki ng respetong ibi­na­hagi sa kanyang kontribusyon sa lipunan.

Sukdulan na sigurong pagpatibay sa kanyang na­iwang magandang pangalan ang pakikiramay na personal mula sa mismong Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Nakausap ko ang Pangulo sa pamamagitan ng kanyang pagtawag sa telepono sa araw ng libing. Nagulat ako nang iniabot na lamang sa akin ni Secretary Salvador Panelo, kaibigan ng pamilya, ang kanyang cell phone at nasa kabila ng linya ang nagpakilalang “si Rudy”.

Daan-daan ang nakiramay sa pagkawala ng aking ina. Marami ang pamilyar sa kanyang talambuhay bilang mukha ng industriya ng pelikula sa loob nang maraming taon. Ang mga mensahe, lalo na ng mga nakakakilala sa kanya, ay pawang mga nakaaantig ng puso.

Nagulat ako nang ganoon din ang naging tenor ng pakiramay ng Pangulo. Humingi ito ng paumanhin na siya ay hindi makadalo. Siyempre, maiintindihan naman ang kahalagahan ng kanyang kaligtasan ngayong panahon ng COVID. Pero pinagpatuloy niya ang pakikipag-usap at naikuwento pa ang paggunita niya sa pagpanaw ng kan­­yang minamahal na ina. Tandang-tanda niya kung gaano kalalim ang sugat na naiiwan sa puso. Matagal din kaming nakapag-usap at hiniling nitong ipaabot sa buong pamilya ang kanyang pakikiisa.

Nabigla ako dahil damang-dama ko ang kanyang taos pusong simpatya. Hindi rin ako makapaniwala na sa daming pinagkakaabalahan ng Pangulo ay nagawa pa nitong maglaan ng halos limang minutong tawag para lang mapagaan ang aming kalooban. Bilang anak ni Manay Ichu, masasabi kong malaking kagaanan para sa amin ang kanyang mapagkumbabang pakikiramay.

KAPAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with