Hala bira sa bagong estratehiya sa 2022!
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

Ang mga kritiko ng administrasyon ay walang pinalalam­pas. Lahat pinupuna, binubusisi at binibigyan nila ng diin na laging may mali.

Ngayon, mas nagiging aktibo, araw-araw, linggu-linggo, buwan-buwan.

Tila namumuhunan nang mabuo ang persepsyon at impresyon ng taumbayan – panahon na, palitan na!

Oo nga naman, isa’t kalahating taon na lang bago ang national election. Kailangan yata ay grand slam ang kanilang partido sa 2022.

Masakit nga naman na ma-otso diretso sa inidoro gaya noong 2019 kaya ngayong darating na 2022, change tactics na.

Kaya ang bagong estratehiya, hala bira! Ibuo sa isipan ng taumbayan ang impresyon at persepsyon na walang katiyakan sa kasalukuyang administrasyon.

Samantalahin ang pagkabuwisit ng tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng kahinaan, kapalpakan at kakulangan ng pamahalaan.

Kaya ang paborito nilang isyu na sakyan ngayon, mga kaganapan sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Pagkukumpara ng ating budget sa pandemya sa ibang bansa,  kung papaano dapat gastahin nang tama.

Ang kanilang sigaw, gutom na ang taumbayan. Saka na muna ang imprastruktura, sikmura muna.

Binibigyang-diin na patibayin ang mga subsidiya dahil marami pa rin ang nagugutom.

Kinukuwestiyon ang ahensiya ng kalusugan, bakit ka­­kaunti lamang ang budget. At marami pang iba, kanya-kanya silang kanta pero iisa ang tono nilang lahat – banat!

Para sa mga kritiko, wala nang tama , laging mali ang pinaggagawa ng mga nakaupo. Dapat kapag sila ang nagsalita, sila ang tama.

Halatado naman na TL na ang mga ito – as in Tulo Laway!

2022
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with