Duque inabsuwelto ni President Duterte
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

May maganda at masamang balita. Inaprobahan na ni Pre­sidente Duterte ang pagsasampa ng kasong admi­nistratibo at kriminal sa mga matataas na opisyal ng Phil­Health kasama ang nagbitiw na Chief Executive Officer ng ahensya na si Ricardo Morales at iba pa. Iyan ang magandang balita.

Pero ang magandang balita ay pinalabnaw ng masamang balita: ipinuwera ng Pangulo sa mga makakasuhan ang itinuturong mastermind ng PhilHealth Mafia­ na walang iba kundi si Health Secretary Francisco Duque. Siguro dapat na nating tanggapin ang masaklap na kato­tohanang “sacred cow” sa mata ng Pangulo ang kanyang BFF na si Duque na simula’t sapul, sa kabila ng mga mabi­bigat na paratang sa kanya ay nakuha pa niyang ipagtanggol.

Sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Infectious Disease (IATF)

Sinasabi ang ganito: “the totality of evidence presented  led to the conclusion that wrongful acts or omissions on the part of certain key PhilHealth officers have been committed.” Wala sa rekomendasyon ang ngalan ni Duque at sa tingin ko, ito ay dahil sa alam ng IATF na protektado ng Pangulo ang kanyang “sacred cow.”

Kasama sa mga malalaking issue laban kay Duque ang pagbili o, procurement ng mga overpriced na kasangkapang medikal ng DOH sa kabila ng umiiral na COVID-19 pandmic. Ang Presidente pa mismo ang nagpapayo kay Duque na huwag magbitiw o magbakasyon man lang kahit siya ay sumailalim sa imbestigasyon.

Sana, kung seryoso ang Pangulo sa kanyang dekla­rasyon laban sa mga katiwalian sa pamahalaan, hindi siya dapat magpakita ng pagkiling o partiality kanino man sa kanyang mga opisyal. Mas makabubuti kung ang mga kilalang malapit sa kanya ay bayaang sumailalim sa pagsisiyasat. Kung wala talagang kasalanan, eh di malilinis ang kanilang pangalan, di ba?

Lubhang overwhelming ang masamang impresyon ng taumbayan kay Duque at makasisira sa Pangulo ang pagpapakita ng pagsuporta sa kanya lalu pa’t sinabi niya nung una na kahit “singaw pa lang ng katiwalian” sisibakin na niya ang sino man sa kanyang mga tauhang hinihinalang nagkasala.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with