Hindi nakawala sa kasal (Huli sa 2 bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2020 - 12:00am

KINUNSIDERA ng Court of  Appeals (CA) ang argumento ng OSG at binaliktad ang desisyon ng RTC. Ayon sa CA, hindi sapat na pinagtaksilan ni Grazie si Gardo. Kahit pa iresponsable ang babae at may  negatibong pag-uugali ay hindi sapat ang mga kondisyong ito para ituring na mayroon siyang psychological incapacity at hindi niya kayang gampanan ang responsibilidad bilang isang asawa. Tama ba ang CA?

Tama, ayon sa Supreme Court. Base sa Saligang Batas ay sagrado ang kasal at ang psychological incapacity na isa sa mga basehan para mapawalang-bisa ito ayo sa Art. 36 ay dapat na tungkol sa mga pinakaseryoso o grabeng klase ng personality disorder at pinakikitang tunay na manhid o hindi kaya ng isang tao na bigyan ng importansiya o pahalagahan ang kasal.

Para payagan si Gardo na magkaroon ng desisyon na nagpapawalang-bisa sa kaniyang kasal ay dapat na mapakita sa kabuuan ng ebidensiya na talagang grabe at walang pag-asang gamutin ang psychological incapacity ni Grazie at umiiral ito bago pa man sila nagpakasal at  dapat na mapatunayan ito ng mga eksperto.

Sa kasong ito, hindi sapat ang naipakitang ebidensiya ni Gardo para patunayan ang psychological incapacity ni Grazie. Una ay hindi dapat bigyan ng importansiya ang ulat ni Dra. Nimfa dahil base lang ito sa impormasyon na nagmula mismo kay Gardo, ng katulong nilang si Narda at ng kapatid na babae na si Virgie patungkol sa kilos, pag-uugali at emosyonal na kapintasan ni Grazie.

Siyempre, pabor lahat sa lalaki ang kanilang sasabihin at limitado lang ito sa kung ano ang kinuwento nila. Hindi rin naipaliwanag ng husto kung paano nasabing may psychological incapacity si Grazie at bakit nila ipinagpalagay na hindi na ito magagamot.

Kahit madrama sa buhay, magaswal, agresibo, walang tiwala sa sarili at madalas maglabas ng emosyon si Grazie ay hindi sapat ang mga kilos na ito para sabihin na mayroon siyang psychological incapacity. Kaya’t hindi maaaring ipawalang-bisa ang kasal nina Gardo at Grazie sa ilalim ng Art. 36 ng Family Code (Eliscupidez vs. Eliscupidez, G.R. 226907, July 22, 2019).  

COA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with