Manhid na sa COVID-19?
K KA LNG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2020 - 12:00am

Ang huling bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 noong Sept. 9 ay 245,143 kung saan 185,543 ang gumaling at 3,986 ang namatay. Ayon sa isang grupong mananaliksik mula UP, maaaring nagkaroon na ng “flattening of the curve” sa bansa dahil bumababa na ang pang araw-araw na bilang ng kaso. Pero hindi daw ito dahilan para magsaya o maging kampante. Kailangan pa rin ipagpatuloy ang pag-iingat at paggamit ng mga face mask at face shield kapag lumalabas ng tahanan. Tandaan na nasa ilalim pa ng GCQ ang Metro Manila.

Sa totoo lang ay tila nagiging manhid na nga ang tao sa mga balita na may kaugnayan sa COVID-19. Marami ang tumanggap na sa bagong normal kung saan face mask at face shield ay bahagi na ng kasuotan araw-araw at pagpapatupad ng social distancing. Mas interesado na nga ang tao sa balita ng pagpapatawad ni Pangulong Duterte kay Daniel Pemberton at ang puting “buhangin” na nilatag sa Manila Bay para lang pagandahin ito.

Ang Pilipinas ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 pa rin sa ASEAN. Patunay na mas maganda pa rin ang nagagawa ng ibang bansa para labanan ang pandemya. Kaya kahit may konting ebidensiya na buma­bagal na ang bilang ng mga kaso, kailangan pa ring mag-ingat. Mabuti na lang din at maraming sumusunod sa mga alituntunin para sa pag-iingat.

Hindi tulad sa Amerika kung saan marami ang tutol sa pagsuot ng face mask habang nasa labas ng tahanan dahil labag umano sa kanilang kalayaan o karapatan. Manood na lang ng mga video sa YouTube para maintindihan ang tinutukoy ko.

Nasa pangalawang linggo pa lang tayo ng Setyembre pero may anunsyo na ang lokal na pamahalaan ng Maynila na isasara ang mga sementeryo sa Undas para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Sumunod na rin ang Mandaluyong. Kakaiba na talaga ang pamumuhay sa bagong normal. Matagal ko na rin hindi nakikita ang ibang kapatid ko. Tuwing Undas ay kumpleto kami sa sementryo pero baka sumunod na rin ang Taguig sa pagsara ng sementeryo.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with