^

PSN Opinyon

Bastos na lending collector ng Peso Pop, hulog sa BITAG!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakaabot sa amin ang sumbong ng isang COVID-19 positive patient na kahit siya’y habang nasa quarantine facility, walang pakundangan ang paniningil ng collector sa kanya.

Pinadalhan kami ng nagrereklamo ng kanyang recorded phone conversation sa collector ng Peso Pop online lending na nagngangalang alias “Jade Tangonan.”

Iyon ang naging daan para mahulog sa aming BITAG ang bastos at balahurang lending collector.

Galit na galit ang kolokay. Wala raw siyang pakialam kung mamatay pa ang nagrereklamo dahil mas importanteng makabayad ito ng P8,500 na kanyang inutang.

Nagbanta at nanakot pa ito na ipopost ang mukha ng biktima sa social media at iisa isahing imensahe ang kanyang kamag-anak at kaibigan upang masingil ang kanyang utang.

Sinubukan ko ang kabastusan nitong kolektor na Jade, ako mismo ang nagpanggap na kapatid ng nagrereklamo.

Ako mismo ay nakatikim ng panlalait, pagmumura, paninigaw at pagbabanta ng hinayupak na kolektor.

Dahil dito, matindi ang ebidensiyang ipapasa ng BITAG at ng nagrereklamo sa National Privacy Commission sa tanggapan mismo ni Chairman Raymund Liboro.

Sa pamamagitan ng kanyang tanggapan ay ipatatawag ang kompanyang Peso Pop maging ang bastos na ko­lektor na ito.

Higit pa riyan, maaaring magsampa ng kasong kriminal ang biktima. Isa itong paglabag sa Anti-Cybercrime Law.

Matapos naming ipalabas ito, nagdagsaan ang mga impormasyong dumating sa BITAG.

Ipinadala ang tunay na pangalan at pagmumukha nitong balahurang kolektor na si Jade Tangonan.

Kilalanin siya.

Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with